bc

My Wife is a High School Student (BOOK 1 and 2)

book_age16+
13.3K
FOLLOW
48.6K
READ
others
family
arranged marriage
drama
sweet
bxg
humorous
like
intro-logo
Blurb

anong gagawin mo kung ipapakasal ka ng mga magulang mo sa isang high school student? at 16 plang sya?

pero, there's something deep inside your heart telling you that it's right.

however, that girl loves other man .. would you let her go and find her happiness? or you will stay by her side and fight for your love? AJA!!

chap-preview
Free preview
MWHSS-Chapter 1
CHAPTER 1 Maniniwala ba kayo na ang isang high school student ay ikakasal sa isang 21 year old college student? Maybe yes... or it’s a no, but believe it or not? Oo... alam ko, nangyayari lang ‘to sa mga telenovelas or koreanovelas na pinanonood ko... pero isang araw lahat ng ito ay nangyari sa akin mismo! Paulo’s POV Hi! I’m Paulo Santiago... 21 year old, a college student. Education ang course ko major in Arts sa New Tan College. Marami na akong napanalo na mga painting competitions dito sa bansa at sa ibang bansa. Recently, ako ang naging representative ng aming college sa painting competition na ginanap sa Paris and ofcourse I’ve won the first place. Kontento na ako sa buhay ko, nakakuha nga ako ng scholarship sa Mandrid, Spain para mag aral pa ng 2 taon sa major na visual arts... pero pinag iisipan ko pa if I’ll grab that opportunity... sila mom and dad parin kasi ang masusunod sa descision making. And now, nasa airport ako ngayon. Kabababa ko lang ng eroplano galing Paris. “home sweet home!” bigla kong nasabi sa aking sarili kasi namiss ko talaga ang Pilipinas dahil sa ito na yata ang pinakamatagal kong competition na sinalihan, mahigit isang buwan din akong naglagi sa Paris. Naglalakad na ako palabas ng waiting area ng may makabangga akong isang napakaganda at sexy na foreigner. I admit na... ‘di parin nagbabago ang ugali ko. Mahilig sa sexy at maganda. Yung tipo ba na isang ngiti at lakad lang nya eh... tunaw ka na. “oh... I’m so sorry miss” pacute ko para dagdag pogi points “oh... no it’s okay, but next time watch your step please?” “ah... okay!” “.... uhmmm by the way what’s your--” ‘di pa ko tapos magsali ng biglang may tumawag sa foreigner “honey!” sigaw nung lalaki sabay halik dun sa foreigner na kausap ko kanina “I’ve missed you mommy!” sabi naman nung batang babae na kasama nung lalaki Malas! May asawa’t anak na pala sya. Eh ‘di ito... lakad na naman ako hanggang makarating ako malapit sa C.R. ng airport. May nakita akong isang familiar na dalaga sa aking harapan. Mahaba ang buhok, maputi, singkit ang mga mata at kissable ang mga lips nya at katamtaman lang taas nya. Kelly’s POV Hello! Ako nga pala si Kelly Araneta. 16 year old na ko uhmmm... nag aaral ako sa New Tan High. Mahilg akong magbasa ng mga novels... mahilig din ako sa mga artista... ewan ko ba kung bakit! Marami akong kinaiinisan sa buhay ko, nanjan yung mga traditions ng mga elders ko... yung pang aasar nung tinuturing kong kuya... yung failed grades ko... yung kawalan ko ng talent at marami pang iba. Sabi ng mga haters ko... buti nalang daw mayaman at maganda ako dahil kung hindi daw wala daw akong kwenta at kaawa awa naman daw ako. Kainis talagang buhay ‘to! Nakakainis naman nautusan pa ko nila tita Aurora na sunduin yung unggoy na yun. Kung wala lang sakit si Grandpa... ‘di ko talaga susundin yung mga pinagagawa nila. Hay, naku  buti naman at dumating na ang unggoy... infairness, laki ng pinagbago nya lalong naging gwapo, ganito ba talaga ang dating kapag galing sa Paris? “hoy! Kelly!” sigaw ni Paulo “ano?!” “natulala ka sa kagwapuhan ko ‘no?” “kapal mo talaga! Ang tagal mo kaya natulala na ko dito... ‘di kana nagbago!” sigaw ko naman sa kanya “Kelly naman... ‘di mo ba ko namiss ha?” sabay akbay sakin... agad ko namang tinanggal yun “hindi no, unggoy! Tara na nga umuwi na tayo” “bakit nga pala ikaw sumundo sakin dito? Nagvolunteer ka ‘no?” “kapal talaga! Inutusan ako ng mommy mo. Ngayon kasi labas ni lolo Danilo sa hospital” “ganun ba? Okay!” ^ sa bahay ng mga Araneta Magkalapit bahay lang ang pamilya namin kaya sobrang tight talaga ang parents namin. Magbestfriend din ang lolo Danilo ko at ang lolo Eddie ni Paulo... ganun din ang mga daddy namin ni Paulo. Kaya halos kuya na ang tingin ko sa kanya kahit may totoo talaga akong kuya. “lolo Danilo... kamusta na po ang pakiramdam nyo?” tanong ni Paulo “okay naman ang pakiramdam ko apo” Apo na rin ang turing ni lolo kay Paulo. “lolo, may mahalaga po daw kayong sasabihin sabi nila mommy?” tanong ko naman “oo apo ko...” “... noong nabubuhay pa ang aking kaibigan na si Eddie—lolo mo Paulo, gumawa kami ng kasunduan para manatili ang connection ng bawat pamilya natin... napagkasunduan namin na ipakasal ang aming mga anak sa isa’t isa upang maging isang masayang pamilya.” “lolo nagpapatawa ba kayo? Parehong lalaki ang naging anak nyo ni lolo Eddie! Panong mapapakasal yun?” natatawa ko pang sabi “slow ka talaga!” sabay batok sakin ng kuya Chris ko +_______+ ouch sakit non! “ano ka ba Chris! Hayaan mo nang lolo mo ang magsabi” saway ni mommy kay kuya “... alam ko yun Kelly apo, kaya nga sa susunod na henerasyon ko gagawin yun. Kayong dalawa ni Paulo yun. Para kung bago man ako bawian ng buhay at makaharap muli ang aking kaibigan eh... masasabi kong nagawa ko ang aming kasunduan.” Dagdag pa ni lolo “pero lolo Danilo, mga bata kami” saad ni Paulo “oo nga lolo... ako nasa high school palang ako... 16 palang ako lolo 16!” “wala na kayong magagawa kung hindi sumunod sa kagustuhan ko.” “hindi lolo... ayokong magpakasal sakanya!” Tumakbo ako palabas ng bahay namin. Nakita ko na kasunod ko si Paulo at mukhang nakipagtalo rin kay lolo “basta ayokong magpakasal sayo Paulo!” sigaw ko sakanya “mas lalong ayoko!” Ayun at tumakbo sya papunta sa bahay nila

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.7K
bc

My Favorite Subject

read
216.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.4K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

A Night With My Professor

read
495.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook