PROLOGUE

368 Words
Hawak ang bulaklak, masaya siyang naglakad patungo sa altar. Masayang-masaya siya pero hindi para sa sarili niya. Lumiko siya sa kaliwa kasabay ng mga ibang bride's maid. Saka nilingon si Dave ang lalaking tangging minahal niya mula pa noong mga bata pa sila. Pareho silang nangako na sa simbahang ito sila ikakasal pero lahat ng iyon ay hanggang sa nakaraan na lang. Palihim niyang pinahid ang luha sa mga mata niya. Nagsimula ng kumanta ang singer ng wedding song na napili niya. Oo siya mismo ang pumili sa wedding song sa kasal ng taong mahal niya. "Ang ganda ni Claire sa gown niya, maganda ka talaga pumili Erin." Ani Marie isa sa mga bride's maid at pinsan niya Hindi na siya sumagot. Hanggang sa makarating sa harap ng altar si Claire. Pinipigilan niyang huwag umiyak hanggang sa matapos ang kasal. Ayaw niyang ipakita sa lahat na mahina siya, na nasasaktan siya. "I do." Isang masakit na salita para sa kaniya galing sa dalawang tao na mahalaga sa kaniya. Hindi niya kayang tingnan pa ang nangyayari kaya pinili niyang lumabas nalang ng simbahan. Nang makarating siya sa labas doon na siya bumigay ay umiyak ng tuluyan. 'Bakit ang daya mo naman universe hindi mo man lang pinagbigyan ang kaisa-isang hiling ko. Siya lang e, siya lang gusto ko bakit naman hindi mo na binalato sa'kin. Siya nalang kulang e. Ito na ako oh! Successful na pero hanggang ngayon hindi pa rin ako masaya.' Hagulhol nalang ang tangi niyang nagawa. Napa-angat siya ng ulo nang may nag-abot sa kaniya ng panyo. "Tanggapin mo na nasisira lalo make up mo niyan." "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. "Nakita kitang lumabas kaya sinundan kita." umupo ito sa tabi niya. "Tama ka ang daya ni Universe kung sino pa iyong mahal mo hindi pa binigay sa'yo." Napakunot naman siya sa noo niya matapos marinig iyon. "May gusto ka ba kay Ate?" "Wala, hindi naman siya ang gusto ko." "Eh sino?" "Saka ko na sasabihin kapag binigay na ni Universe ang sign na hinihingi ko." "Ewan ko sa'yo." "Ayan, maganda ka kapag nakangiti. Huwag kanang malungkot kung hindi man siya binigay sa'yo I'm sure may nireserved si Universe para sa'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD