Monster 1

1639 Words
Ryu's Point of View Pupungas pungas kong idinilat ang mga mata ko. Grabe, napakasarap matulog. Teka, nasaan ba ‘yung phone ko? Sus! Alas syete palang pala e.   Teka.... Alas syete na!!   Napabalikwas ako sa higaan ko sa gulat. Teka, nasaan na yung dalawang kasama ko rito? Aba! Ang gagaling at iniwan pa nga ako. Napakamalas naman kung kelan midterm exam ngayon.   Kaya ko ‘to! 30 minutes pa bago magstart ang klase. Tsk. Sana late din si Ma'am.     Ako nga pala si Ryu Carlisle Ravena, 17 yrs old. 2nd year college sa Hiragi University. Kung idedescibe ko yung Hiragi, isa itong University na malayo sa syudad, sa tuktok ng bundok. At dahil malayo nga kami, merong dorm sa loob na malapit lang at pwedeng lakarin.     Nakarating ako sa tapat ng gym at nagmadaling ipinark yung bike. Putik! Halos humiwalay na yung mga binti ko sa sobrang bilis kong magpadyak e.   Dahan dahan akong sumilip sa pinto ng gym para tignan kung nandun na si Ma’am. Yun! Wala pa. Swerte! Kakaiba pa naman yun si Ma’am. Parang may sapak na hindi mo malaman e. "Hoy Harry! Ba't 'di nyo ko ginising?" sabi ko sabay batok sa kanya. Akala mo hindi ako kaibigan para hindi ako gisingin e. "Kailangan mamatok? Wala ka naman sinabing gisingin ka ah!" syempre matic na yun e magkakaklase kami. Napailing na lang ako. Bakit ko ba kaibigan ang isang 'to? "Asan si Mike?" tanong ko. "Ayun oh " sagot ni Harry sabay turo dun sa gilid "Nanlalaki nanaman yung kumag" dagdag nya kaya natawa ako. "Kapag narinig ka non, may sapak ka na naman" pabiro kong sabi.   Magkakababata kaming tatlo. Mabuti na nga lang at pareparehas naming naisipan na rito mag-aral e. Ayaw rin daw kasi nila na malapit lang sa bahay yung papasukan namin, di raw sila makakagala. Ang ganda ng rason ‘no?   "Andyan na si Ma'am" sigaw nung isa kong kaklase. At tama, pumasok nga si Ma'am sa gym.   Syempre, attendance muna. Lahat kami nakatayo na sa gitna ng court. Automatic na kapag tinawag ni Ma'am pangalan mo, pupunta ka sa free-throw line at kailangan mong tumira. Dalawa lang pagpipilian mo- kapag pumasok, present ka. Kapag hindi, kahit nandito ka, absent ka pa rin. Bangis 'no? Sabi sa inyo, may sapi 'to si Ma'am e. Nagsimula ng magtawag si Ma'am. Lahat naman ng tinatawag nya ay nakaka-shoot. Syempre, sa sobrang nakakatakot ba naman magturo ni Ma'am, ewan ko na lang kung walang sumunod at makinig e.   "Ryu Carlisle Ravena" nagpunta ako sa free-throw line at tumira. Shoot! Basic! Ako kaya highest sa P.E   "Mabuti at walang sumablay sa inyo. Alam nyo naman siguro na midterm exam ngayon 'no? Buti pa kayo. Kasi ako, hindi.” Nagkatinginan kaming magkakaklase sa sinabi nya. Ang chill lang nung pagkakasabi nya kaya mas lalong ang weird. Hahaha  “Kaya hindi ako nakapag prepare ng written exam" dagdag nya.   "Edi 100 na kaming lahat nyan, Ma'am" pagbibiro ng kaklase namin. Pero imposibleng hindi magpa-exam to si Ma'am. Lahat ng P.E. subjects ko sya ang naging instructor e. "Sigurado naman akong mapeperfect nyo ang written exam na ibibigay ko, dahil sa kodigo mo Mr. Carl kaya wala na tayong magwritten exam" sabi ni Ma'am.   "Edi pwede ng umuwi Ma'am?" tanong ni Harry   "At bakit ka naman uuwi agad? Ang sabi ko 100 kayo sa written exam, pero wala akong sinabing wala na kayong practical exam" ngiting sabi ni Ma'am. Nagreact naman yung mga kaklase ko. Kala mo naman may magbabago pag nagreact sila.   "Nakikita nyo ba ang mga markers sa paligid ng court? Mula sa malapit sa ring, sa free-throw line, sa three-point line, half cout, quarter court hanggang full court " sabi ni Ma'am. Oo nga 'no! May mga red tapes sa paligid ng court.   "Yan ang magiging exam nyo for today. Shooting lang" Napangiti ako sa sinabi nya. Yes! Ok 'tong exam na 'to.   "Para syempre masaya, meron dapat kayong kalaban" dagdag nya. "Ang makakalaban nyo ay ang iba kong hawak na klase. Class S, pasok!" sigaw ni Ma'am.   Class S? May ganun ba rito?   Lahat kami ay napatingin sa entrance ng gym ng may mga nagpasukang estudyante. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Limang estudyante, dalawang babae at tatlong lalaki. Ngayon ko lang sila nakita. Mukhang taga M.Academy sila base sa uniform na suot nila. Nabanggit ko na kanina na may katabing school itong Hiragi University at yun ay ang M. Academy. Isang napakalaking school. Nagmumukha ngang kubo yung campus namin sa laki at lawak ng school nila e. Sa gitna kasi ng mataas na bundok ang Hiragi at M.Academy. Walang mga bahay na nakapaligid pero may mga tindahan at kainan naman sa labas.   "Magsisimula na tayo. Dahil konti lang ang estudyante ko sa Class S at 30 kayo sa klase ko. Iggrupo ko kayo sa anim para mas malaki ang chance na makaperfect kayong lahat" sabi ni Ma'am. Natuwa naman yung mga kaklase ko. Hindi ba dapat mainis sila kasi parang minamaliit kami? "5 vs 1 ang gagawin natin kahit isa lang ang makashoot sa inyong lima at natalo ang isang Class S, 100 na kayo kaagad. Naiintindihan ba?" nagtanguan kami. Ibig sabihin kahit ako lang yung makatalo sa Class S, 100 na kaming lahat ng magiging kagrupo ko. Nice! "Wendy Cruz, Jane Corpuz, Sarah Lim, Carmela Go, Joan Gomez ng C1 at Daphne Alberona ng Class S" Nagsimula na sila isa isa. Naka-shoot silang lahat hanggang sa three point line kaso sumablay naman lahat ng mga kaklase ko pagdating sa half court. Hays! Tumira naman yung Daphne at pumasok. Sus! Tsamba.   "Daphne-100. The rest, zero" sabi ni Ma'am na may pang- asar pa na tawa. Mukhang si Ma'am lang nag-eenjoy e.   "Ryanne, Ella, Anna, Justine, Ayi at Rufus Dominguez ng Class S" yung mga kaklase ko naman na tinawag e parang mga kinikilig ng lumapit din yung Rufus. Haynaku.   "Tignan mo mga kaklase nating babae parang tanga. Gwapo na yan?" bulong ni Harry samin. Magkatabi kaming tatlo sa gilid ng court at inaantay na matawag. "Baka kwago" sabat ni Mike at mahinang tumawa. Wala namang nakakatawa pero pati si Harry natawa sa sinabi nya. Mga abnormal. "Uy tumingin satin!" sabi ni Mike sabay tigil sa pagtawa. "Baka narinig kayo" pananakot ko. Muka namang naniwala yung dalawa at nagtago sa likod ko. Syempre joke lang yun. Imposible namang narinig nya tong dalawa, nasa gilid kami ng court. Luh. Nakatingin pa rin sya. Naggwapuhan siguro sakin. Smh (HAHAHA)     “Start!” umiwas na sya ng tingin ng magsimula ng mag shoot yung mga babae sa klase namin. Lahat naman sila nakashoot sa unang line. Pero itong Rufus dumiretso agad sa quarter court at dun nag- shoot. Pumasok yung tira nya sabay ngisi, sus. "Pag may naka-shoot sa quarter court sa inyo, talo na ako" mayabang na sabi nya. Lakas ng loob palibhasa mga babae kalaban. Pumayag naman ang mga kaklase ko at sinubukang tumira. Kaso mga hindi shumoot. Kaya zero rin sila.   "Harry, George, Dundee, Jeremy, Gabe ng C1 at Jeel Ivan ng CS " tinapik naman namin si Harry ng marinig na tawagin sya. Kahit na ganyan yan, magaling yan magbasketball.   "Dre, wag ka papatalo" sigaw ni Mike habang tumatakbo sila Harry papalapit sa gitna. Si Harry naman lumingon at nagsalute. Natawa ako. Baliw e     Nag umpisa na silang magshoot. Lahat nakashoot pero pagdating sa quarter court, si Harry at yung Jeel lang yung nakashoot. Nice, kaya ni Harry 'to. Tumira si Harry at nashoot nya ang bola pagdating sa quarter court pero pagdating sa half court masyadong napalakas yung tira nya kaya hindi pumasok. Yung Jeel naman kahit mukang lampa e pumasok yung shoot. Zero rin tuloy sila Harry. Hanggang sa sumunod pa yung iba kong mga kaklase pero ganun parin. Wala pa ring nakaka 100 sa klase namen. Halos lahat na samin ay mukhang malulungkot. Kung titignan mo naman yung Class S parang wala lang sa kanila. Hindi ba sila masaya?     "Danyel, Patrick, Josh, Lewis at Ryu at sa Class S naman ay si..." Nice ako na! Lumapit na ako sa gitna pero si Ma'am parang may hinahanap pa.   Wala na ata kaming kalaban. Lima lang yung taga Class S na nandito e.   "Wala pa rin yung babaeng yun? Naku talaga" sabi ni Ma'am na mukang naiinis na. Ayaw na ayaw pa naman nyan ng late. Siguradong may penalty.   "Baka may pinaparusahan pa" rinig kong sabi nung Rufus. Ha? Ano raw? "Naamoy kong malapit na sya" sabi naman nung isang lalaki na mukang lampa. Makanaamoy naman 'to. Aso?   ''Andyan na sya'' masiglang sabi nung isa nilang kaklase ng biglang may dumating na magandang babae. Makinis maputi sya pero ba't ganon? Bakit late sya? (Wew) Naku! Lagot ka kay Ma'am. Siguradong pagagalitan ka.   ''I'm late" sabi nung bagong dating. ''It's ok. Ikaw na next" sabi na lagot s--- Teka. Sinabi ba ni Ma'am na ok lang? Grabe purkit maganda? ''Hala. Bakit di sya pinagalitan?'' ''Good mood ata si Ma'am'' ''Sabagay. Kung ako rin, hindi rin ako magagalit e. Mukhang anghel" "Mas maganda pa ko dyan e" Side comment ng mga kaklase ko.   ''Yung limang binaggit ko kanina at Cana Zillah ng Class S'' pag aannounce ni Ma'am. Game! Kailangan kong linisin ang reputasyon ng klase namin.   ''Hi Cana'' bati ko. Bakit ba? Friendly ako eh. Lumingon naman sya at tinignan ako. Inantay ko ang pagbati nya pero wala akong natanggap pabalik. Grabe, bastos na bata naman. Wala man lang reaksyon yung mukha nya.   ''Pwede bang sa halfcourt na magsimula? '' sabi nung Cana ''Ok" nakangiting sabi ni Ma'am. Bakit parang ang bait?     Since pumayag si Ma'am, nagsimula na yung iba kong mga kaklase at lahat sila sumablay. Hays. Madali lang naman 'to. Tinira ko na yung bola anddd shoot! Syempre ako pa ba? Si Cana naman ang titira, parang hinagis lang yung bola eh O.O Shoot?! Lakas tsamba a! Susunod na mark ay sa quarter court na. Kaya ko pa 'tong quarter court. Baam! Shoot. Naghiyawan yung mga kaklase ko.   Tumingin naman ako kay Cana. Nagulat ako ng bigla nyang hinagis yung bola. Nak ng! Pumasok na naman. Kaso pagdating sa full court, wala. Lumagpas sa ring yung bola. Hahaha   ''Ma'am, Paano kung hindi nya rin maipasok?" tanong ko ''100 kayo ng kagroup mo pati na rin si Caba" sagot nya. Nice, 100 na 'to. ''Cana, kahit wag ka ng tumira. 100 na tayo parehas'' bulong ko. Tumingin naman sya kaya ngumiti ako at inangat ang kilay ko. Kaso hindi pa rin sya nagsalita at dinribble nya yung bola sabay tira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD