Hinaplos ko ang mukha ni Uncle Vince na nakahilig malapit sa akin. Paggising ko ay siya kaagad ang hinanap ko. Naalala ko kasi na bago ako himatayin dahil sa pagod sa panganganak kahapon, mas nauna pa siyang nawalan ng malay na labis na ikinagulat naming lahat. Panay pa ang tawag ko sa kanya at pilit kong gusto na makalapit sa kanya pero humandusay na siya sa sahig habang naghihisterya si Mommy. Sumunod din ako sa kanya na hinimatay at hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari. Masaya ako na makita siyang natutulog sa tabi ko habang hawak ang kamay ko. Akala ko inatake na siya sa puso or what dahil nga bigla na lang siyang natumba habang inaabot ni Doktora ang baby sa kanya. Mabuti na lang 'di pa niya nahahawakan ang baby namin kung hindi lagot talaga siya sa akin. Baka hindi na t

