Everything went smooth, sobrang saya namin ni Charmel nang ikasal kami. Katulad ng inaasahan ko, bongga ang naging kasal namin ng baby girl ko. Halos miyembro ng royal family ang dumalo. Mayroon din sa side ng nag-ampon kay Mommy, dumalo si Lola Victoria at ang pamilya ni Devin. Matagal na kasing nagkaayos sina Mommy at Lola Victoria at natutuwa naman ako dahil dito. Sa side ni Charmel, ang pamilya ng tunay na Mama niya lang ang dumalo. Hindi na kami nag-abala pang mag-imbita ng mga kamag-anak ni Gabriel dahil wala rin naman kilala si Charmel. At isa pa, si Lola Victoria lang at Devin ang kilala niya. "Ready ka na ba na i-take bukas ang trono, Vince?" tanong sa akin ni Charmel habang narito kami sa teresa rito sa palasyo. She is having her milk while I'm having my wine. Kaming dalawa

