bc

CAYDE: LOVE AND LIES

book_age18+
60.9K
FOLLOW
208.3K
READ
billionaire
alpha
sensitive
brave
drama
comedy
bxg
tortured
addiction
like
intro-logo
Blurb

Tumakas s'ya sa kanilang bayan para makalayo sa panganib at lupit ng mga tao sa lugar na iyon. Pero nagkandaletse-letse ang buhay ni Catalina Adoracion ng maloko s'ya ng bading na nakilala at pwersahang pinasok sa isang club. At doon nakilala n'ya sa unang pagkakataon si Cayde ang lalaking 'malandi'.

At ng gabi ding iyon sinubukan n'yang tumakas sa club na iyon.

Pero sa pagtakas n'ya nabanga s'ya ng isang babae na nagngangalang Batsy. Ang babaeng tumulong sa kanya para sa panibagong buhay---buhay na kasama sa iisang bubong ang lalaking malandi.

Makakaya n'ya kayang iwasan ang tulad nito na waring nabihag ang puso ng babaeng nakilala nito sa club? O baka ito pa ang umiwas pag nalaman nito ang totoo niyang katauhan?

The Bad Billionaire Series: Cayde, Love and Lies

©mis_annie

chap-preview
Free preview
One
Chapter One Itim na traveling bag na may ilang pirasong damit at ang pusa kong si T-tey ang nadala ko sa pagtakas. Sumakay sa likod ng truck ng mga gulay na patungong siyudad umaasang magkakaroon na ng tahimik na buhay at kalayaan. Pero dahil walang kapera-pera sinubukan kong maghanap ng trabaho, naranasan ko na ring matulog sa gilid ng kalsada gamit lang ang karton bilang sapin. Kumakalam na rin ang tyan. "Ineng sa ganda mong yan parang hindi angkop sa'yo na magsilbidora dito, aba'y mas gaganda ang buhay mo kung mag-artista ka na lang o kaya mag-auditoin sa PBB!" Sabi ng ale na kanina pa nagkakamot ng kili-kili. Napangiwi ako ng amuyin pa nito iyon at ng di makontento itinusok pa sa ilong ang daliri nito. "H-indi na lang po, aalis na po ako! Salamat!" Sa mungkahi ng ale tiyak kong mabilis lang akong mahahanap ng mga taong tinakasan ko sa bayan namin. Mabilis akong lumarga lalo pa't pansin ko na rin ang tingin ng lalaking costumer ng kainan na kinaroroonan ko. Mabilis ang mga hakbang ko palayo. Pero ramdam ko ang pagsunod nito kaya naman tinahak ko ang daan patungo sa kumpol ng mga tao at nakipagsiksikan roon. Nang ako'y makalayo na saka lang ako nakahinga ng maluwag. Kaya lumusot ako sa isang eskinita kung saan walang dumaraan. Pero wrong move. Dahil may marahas na braso ang pumulupot sa leeg ko at hinila ako sa isang gilid. Kahit tumili pa ako ng malakas balewala rin dahil nga wala naman dumaraan. "W-ag mo akong sasaktan!" Takot kong sabi rito. Kahit naman nasa probinsya ako noon ay alam ko kung gaano katalamak ang mga ganitong eksena sa siyudad. "Gaga, feeling mo naman bet kita! Yucks!" Maarteng sabi ng bruskong lalaki na nagpagpag pa ng brasong naidikit sa balat ko. Pumipilantik ang mga kamay nito at kumikibot-kibot ang ngusong naka liptint pa nga. Bakit di ko napansin iyon kanina? "Ba't mo ba kasi ginawa yun?" "Tss, OA ka kasi! Nagbabakasakali lang ako na baka gusto mo ng trabaho, narinig ko yung usapan n'yo kanina nung ale! Malaki ang kikitain mo roon, makakakain ka pa ng maayos at may tirahan para sa inyo ng alaga mo!" Sabi nito. "T-alaga?" Na-excite kong sabi rito. "Oo, ano gusto mo ba?" "Teka, anong trabaho?" "Basta, malaking kita yun!" Sabi nito. Tsaka ako hinila nito papasok sa isa pang eskinita. --- Kahit may idea na ako sa kalakalan ng siyudad mali pa rin na sumama ako kay Pedro na ngayon ay masama ang tingin sa akin. May hawak itong make up tsaka mariing pinisil ang panga ko paharap dito. "Aayos ka o sasabunutan kita!" Sa laking tao nito tiyak na pag ginawa n'ya yun tiyak na kalbo ako sa isang haltak lang nito. Hawak ng isang tauhan nito ang pusa kong si T-tey at oras na di ko sinunod ang sinabi nito ay pipilipitin daw ang leeg ng pinakamamahal kong pusa. Naiiyak na sinunod ko ang sinabi nito. "Aba'y wag kang umiyak! Gaga ka ba, sayang naman yang ganda mo kung di natin pakikinabangan!" Sabi nito habang may kung ano itong pinapahid sa pisngi ko."Ang daming lalaki d'yan na pwedeng makinabang sa ganyan kagandang katawan, tsaka wag ka ngang maarte kung ako nagkaroon ng ganyan baka umaga at gabi nagpapakang-kang na ako! Aba'y hininga lang ang pagitan!" Sabi nito tsaka tumawa na akala mo'y tuwang-tuwa sa sinabi nito. Nang matapos akong make-upan nito ay lumapit ito sa mga damit na nakahanger at may kinuha roon na kulay pulang damit na base sa itsura tiyak na masisilipan ako. "W-ala na bang iba?" Tanong ko rito. "Aba'y anong gusto mo hija? Pajama? Isuot mo na yan!" Sarcastic nitong sabi tsaka ako itinulak sa banyo. Napansin ko na inilapag lang sa ibabaw ng mesa si T-tey. Pero naroon pa rin naman ang mga ito at naghihintay sa akin. --- "What the heck Dude, kung titiktikan n'yo pala ang lugar na ito bakit isinama mo pa ako?" Nakasimangot na sabi ko sa kaibigan kong si Lukas. Isa itong secret agent ng isang organization, tinawagan lang ako nito at sinabing kailangan nito ang tulong ko sa bago nitong trabaho. Pero tang'na, anong klaseng assignment ba ang hawak nito at kasalukuyan kaming narito sa isang club. "Magagamit namin ang pagiging mahilig mo sa babae rito Cayde!" "The heck dude---" "Just shut up, kung totoong mayroong mga babaeng pwersahang nagtratrabaho rito ibig sabihin maililigtas natin sila kung aayusin mo yung mga ipagagawa ko sa'yo!" Napailing na lang ako tsaka dinampot ang alak na kanina pa isinerve sa table namin. Kahit disente tignan ang lugar mukha ngang may mga illegal na gawain rito. Piloto ako at negosyante pero madalas karay-karay ako nitong si Lukas sa mga trabaho nito. Umugong ang bulungan ng magsimula ang maharot na tugtugin. Tsaka naghiyawan ang mga ito ng bumukas ang gitna ng entablado at inaangat roon ang isang babaeng ngiting-ngiti na nagsimula ng gumiling. Napangisi ako habang naka sentro ang tingin roon. Obviously, ang mga ganitong tanawin ang isa sa kasiyahan ko. Nang lumingon si Lukas at nakita ang malawak na ngisi ko umani iyon ng malakas na sapok na ikinatawa ko lang. Kung si Lukas stick to one, ako naman stick to many. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung di ko ibabahagi sa iba. Pero naniniwala pa rin naman ako na di ako babaero. Gumiling-giling ang babae na ngayon ay nakahubad na sa gitna. May mga lalaking dumikit na sa baba ng entablado at naghahagis ng mga paper bills roon. Tuwang-tuwa naman na gumapang ang babae palapit sa mga ito at pasimpleng sinisinop ang pera. Then she let those men na hawakan s'ya. Napalitan ang tugtog muling bumukas ang gitnang bahagi ng entablado at inaangat ang isang babaeng may mahabang buhok na tingin ko'y nasa bewang ang haba at nakasuot ito ng kulay pulang dress na kumikinang. Dinepena ng damit ang malaking hinaharap nito, maliit na beywang at malapad na balakang. A perfect example of a coca cola body. Matangkad rin ito na papasang contestant ng miss universe. Nang nag-angat ito ng tingin para na itong maiiyak sa takot. Di tulad ng naunang babae na ngayon ay nasa gilid ng stage at hinahayaan ang mga lalaki na hawakan ito sa maseselang parte ng katawan ang isang ito naman ay waring napipilitan. Alanganin humakbang at waring pilit iginagalaw ang katawan. Nang magtama ang tingin naming dalawa iba ang naging epekto nun sa katawan ko. "Stupid, mukhang nag-eenjoy ka!" Sabi ni Lukas na may hawak ng cellphone at mukhang tinitimbrihan na ang mga kasama nito. "That chick is so hot!" Nakangisi kong sabi. Mukhang narinig ng isang tauhan na lumapit sa akin. "I'm Pedro, the manager of this club. Do you want to have a 'solo' time with her!" Pilit ang ingles na sabi nito. Sa laking lalaki nito, mamasel na mga braso parang di angkop ang kilos nito na may papilantik-pilantik pa ng mga kamay. "Can I have her?" Nakangisi kong tanong na dahilan para sikuhin ako ni Lukas. But I don't care, my cock wants that woman. "Yes, yes! Kaso mahal yan bossing, bago Kasi! Fresh na fresh pa ang kepyas!" "Sure, money is not the problem!" Tumayo ako kahit pa tinatawag na ni Lukas pero hindi ko na ito pinansin at sumunod na lang sa manager. Kung magkagulo man sa club na ito wala naman problema. I have Lukas. Pumasok kami sa isang silid na mukhang dito nagaganap ang mga private shows. Mayroong sofa na tanging bagay na nasa silid. Dim lang din ang ilaw. Umupo ako sa couch at inilabas ang cellphone. "You fucker" Basa ko sa text ni Lukas na mahina kong ikinatawa. Mabilis akong nagreply. "Mabilis lang to!" Reply ko tsaka isinuksok ang cellphone sa bulsa. "Sir, ready ka na ba? Nasa labas na s'ya gusto mo ba ng drinks and---" "I want her now!" Sabay hagis rito ng cheke na may 100 thousand na amount. Nanlaki ang mata ng bakla ng makita iyon. I don't have cash with me right now. Cheques and cards only. Tuwang-tuwa na lumabas ito at pagbalik ay may hila-hila ng babae. "You can have her now! Gawin mo ang kahit na anong gusto mo rito!" Pilit ang naging ngiti ng babae sa akin. Itinulak pa ito ng bakla buti na lang mabilis ko itong na salo. "Gawin mo ang gusto n'ya, kung ayaw mong maging palaman sa siopao ang alaga mo!At malaman ng mga taong yun kung nasaan ka!" Sabi ni Pedro sa babae. Ngumiti naman ang babae rito tsaka ako sinulyapan. Lumabas na sina Pedro at naiwan na kaming dalawa sa silid na iyon. --- Hindi pa tapos ang tugtog ng pababain ako ni Pedro sa stage. Akala ko ayos na pero mas may malala pa lang ipagagawa sa akin ang baklang ito. "Nakita ko yung mukha mo sa tv, pinaghahanap ka! Kung nagtatago ka sa mga yun di makakatulong sa'yo kung tatawag ako ng pulis." "P-edro, wag! Wag, gagawin ko kung ano man ang gusto mo! Please!" Takot na sabi ko rito. Na ikinangiti nito at sinenyasan akong sumunod rito. Nakasunod rin ang mga tauhan nito sa amin kaya hindi ko magawang tumakbo patakas. Ilang minuto kaming naghintay sa labas ng silid pumasok pa kasi si Pedro at kinausap ang costumer sa loob. Paglabas nito ay malawak na ang ngiti nito. Iwinagayway ang cheke tsaka may dinukot sa bulsa. "Inumin mo ito, pampalakas ng loob!" Isa iyong maliit na botelya na may konting likido sa loob. Pampalakas ng loob? Mukhang kailangan ko nga iyon. Dahil kung panghihinaan ako ng loob at aayaw baka gawin nito ang banta nito sa akin. Tinanggap ko iyon at mabilis na ininom. "Wag kang mag-alala, ilang oras lang ang epekto n'yan!" Sabi nito na hinila na ako papasok sa loob. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. Muli akong binalaan ng manager ng club bago ito lumabas. Huminga ako ng malilim ng sulyapan ko ang lalaki na ngayon ay malapit ang katawan sa akin. Itinulak Kasi ako ni Pedro at buti na lang ay nasalo nito. "Hi Missy!" Maharot na sabi ng lalaki na tuluyan akong kinabig palapit sa katawan nito tsaka ito pabagsak na naupo sa couch. Gwapo ang lalaki, maganda ang kutis at pangangatawan. Ano ang ginagawa nito sa ganitong klase ng lugar. "I'm Cayde how about you?" Masarap sa pandinig ang boses nito na ngayon ay humahaplos na ang kamay sa pingi ko. "A---h, I'm Raci!" Tugon ko rito na ikinangisi ng lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
452.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.0K
bc

Fight for my son's right

read
146.1K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.3K
bc

My Son's Father

read
582.5K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook