bc

My love My Supladong Bilyonario ( MONTILLANO SAGA I )

book_age16+
33.3K
FOLLOW
178.2K
READ
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lumuwas ng manila si Arabella para maghanap nang trabaho, dahil hindi naman siya nakapag-kolehiyo kaya sa pagiging kasambahay siya bumagsak.

Maayos naman sana ang unang linggo niya sa trabaho ngunit ng dumating ang napakagwapo at napaktikas na anak ng amo niya mula ibang bansa nagulo ang tahimik niyang puso.

Ang problema napakasuplado nito palagi itong galit at seryoso, walang ibang tao sa loob ng bahay ang may lakas ng loob nakontrahin ito maliban sa kanya kaya siguro mainit ang dugo nito tuwing makikita siya.

Pero lihim paring umibig ang kanyang baliw na puso dito kahit alam niyang suntok sa buwan na ibigin rin siya nito.

Hindi siya si Cinderella para magkaroon ng mayamang Principe.

Pero pano kung isang umaga mag onising siyang katabi ito sa kama at parehong walang saplot at ipakasal sila ng ina nito may magbago kaya sa pagitan nila.

"Pakakasalan kita pero ito ang tandaan mo I will never ever love you"

Mga salitang binitiwan nito na tumatak sa isip at puso niya.

chap-preview
Free preview
Hello guys,Please support me for liking and following my story. Thank you so much!!!Chapter 1
                                                        Chapter 1 Mainit na sikat ng araw ang lalong nagpapatindi ng uhaw na nararamdaman ni arrabella kasalukuyAn niyang binabagtas ang walang katapusang kalye ng manila. Hindi naman siya makabili kahit isang maliit na bote ng mineral water dahil 20pesos nalang ang laman ng kanyang maliit na wallet pamasahe lang ang dala niya ng umalis sa kaniyang probinsya sa bicol dahil sa sobrang hirap ng buhay napilitan siyang lumuwas ng manila para maghanap ng trabaho. Tutol man ang kanyang mga magulang wala namang magawa ang mga ito kundi payagan siya binilinan siya ng mga ito na laging magiingat dahil ibat ibang uri ng tao ang makakasalamuha niya. Hamak na magbubukid lamang ang kanyang ama katukatulong naman nito sa bukid ang kanyang ina. May dalawa pa siyang nakakabatang kapatid na parehong nagaaral ang sumunod sa kanya ay forth year highschool na ang bunso ay asa grade school pa at dahil din sa kakapusan ng pera hindi na siya nakapag kolehiyo. Pag ka graduate ng high school nagtrabaho na siya sa isang maliit na grocery sa kanilang bayan para kahit papano'y makatulong siya sa kanyang mga magulang sa gastusin sa pagkain at pagaaral sa kanyang mga kapatid. Kaya kilangan sa araw na ito makahanap siya ng trabaho dahil kung hindi sa kalye siya tutulog. Sa kabilang bagahi ng kalye may na kita siyang hindi kalakihang building my malaking salitang nakasulat sa unahang bahagi nito. "Agency.."mahinang Anas niya Nakahinga siya ng maluwag tiyak may mga trabaho siyang pwedeng aplayan sa agency kahit anong trabaho basta marangal. Dali dali niyang tinungo ang maliit na building nakangiting bumati sa kanya ang isang security guard. Magandang hapon miss anong kailangan muh? "Ah magaaply sana ako ng trabaho." "Ah sige pasok ka.." anito na binuksan ang salaming pinto. "Salamat.." aniya na pumasok sa loob. Madaming tao siyang madatanan sa loob ng opisina my kanya kanyang dalang envelope marahil mga aplikante rin ang mga ito karamihan ay puro mga babae may mangilan ngilan siyang nakitang halos di nalalayo ang edad sa kanya pero marami ang mas may edad na. "Besides hangang highschool lang ang natapos mo payag kabang magtrabaho bilang kasambahay....? Anang may edad na babaeng nag interview sa kanya. "Wala pong problema mam..."nakangiting tugon niya trabaho na ito tatanggi pa ba siya. "10thousand monthly libre na pagkain at mga personal things na kailangan mo like shampoo,bathsoap ect..." Nanlaki ang mata niya sa tinuran nitong halaga napakalaking swerte ang natanggap niya sa araw na ito malaking pera ang maiipadala niya sa kanyang mga magulang buwan buwan hindi na rin niya poproblemahin ang pagbili ng mga gamit niya sa katawan. "Miss lopez are you here...? Pukaw ng interviewer niya . "Wow talaga po ganun kalaki ang sasahurin ko..? "Yes at ngayong araw na rin ito ikaw magsisimula..."nakangiting turan nito. "Ok mam wala pong problema..."masayang turan niya. "Ok then mamaya may isa kaming tauhan na mag hahatid sau sa pagtatrabahuhan mo miss lopez.." "Marami pong salamat mam.." Umupo muna siya sa bakanteng silya matapos ang pag uusap nila ni mrs.alacantara ang nag interview sa kanya. Inilapag niya ang dalang maliit na bagpack hindi na siya nagdala ng madaming damit dahil magiging sagabal lang sa kanyang paghahanap ng trabaho at ngaun ngang may trabaho na siya bibili nalang siya kahit ilang pirasong damit. "Miss lopez..? Anang nakangiting Babae naka pants ito na tinirnuhan ng kulay asul na T-shirt na bumagay naman sa maputing balat nito nakaponytail ang mahabang buhok nito na bumagay rin na magandang mukha nito sa hula niyay ilang taon lang ang tanda nito sa kanya. "Ako nga po.." nakangiting tugon niya na tumayo mula sa pagkakaupo. "Hi' I'm malou.." anito na inilahad ang palad. Malugod naman niya iyong tinanggap" Arrabella mam" "Arrabella magandang pangalan kasing ganda mo.."nakangiting Puri nito. Nag blush naman siya sa papuri nito alam naman niyang maganda siya natural na itim na itim ang buhok niya na umabot sa bewang niya matangkad din siya at kahit tubong probinsya siya maputi at makinis ang kanyang balat. "Salamat.." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa simpleng T-shirt lang ang suot niya at kupas na pantalon na humapit sa mabilog na balakang niya. "Hindi bagay sayo ang maging maid.."Anas nito "Hayaan mo pag may mag hanap sakin ng pwedeng model ipapasok kita.." anito "Nako mam malou ok na po ako sa trabahong binigay sakin at kayo rin napakaganda nyo..." "Hmp bola at take note malou itawag mo sakin, at bago pa humaba ang paguusap na ito halika na ihahatid na kita.." Nakangiting turan nito Naglakad na ito palabas ng opisina naiiling naman siyang sumunod dito kung magtatagal siguro silang magkasama magiging kaibigan niya ito. Habang byahe kwento ito ng kwento tungkol sa boyfriend nito kung gaano ito kamahal ng boyfriend at kung gaano rin nito kamahal ang huli. Nalaman rin niyang ulila na ito sa mga magulang at magisang namumuhay, nakaramdam siya ng awa para dito mahirap ang mabuhay ng walang mga magulang na umaagapay, At hanga rin siya sa tatag nito magaan ang loob niya ky malou at sabi nito pag my day off siya magkita sila para ipasyal siya nito sa magagandang tourist spot dito sa manila. Pumasok ang sinakasakyan nilang taxi sa isang exclusive subdivision humanga siya sa nagagandahan at naglalakihang kabahayan na dinadaanan nila. "Siguro napakayaman din ng magiging amo niya.."aniya sa isip At hindi nga siya nagkamali tumigil ang sinasakyan nilang taxi sa isang na napakataas na gate tanaw niya sa loob ang isang napakalaking bahay o mas tamang sabihing masyon. Sa labas ng mataas na gate my dalawang guwardyang naka uniporme Agad lumapit si malou sa mga ito at nakipag-usap ilang saglit pay nakangiting lumapit sa kanya si malou. "Let's go inside.." aya nito sa kanya na inakay siya papasok sa loob ng gate. Nilampasan nila ang dalawang gwardya nginitian niya ang mga ito at tinanguan bilang pagbati. Gumanti naman ng ngiti ang mga ito, Pakiramdam niya magiging maayos ang pagtatrabaho niya dito dahil mukhang mababait naman ang mga taong nakatira sa mansion. Nang makapasok sila sa loob ng mansion agad sumalubong sa kanila ang isang naka unipormeng matandang babae. "Magandang umaga po mam ano pong kilangan nila..."nakangiting bati nito sa hula niyay nasa late fifties na ang edad nito meron narin itong ilang puting buhok, maliit ito at mataba. "I'm malou at ito naman si arrabella ..."anito na itinuro siya. "Dun po ako nag tatrabaho sa agency na nag-inquire si Mrs.Montillano na naghahanap ng bagong maid.." Lumipat ang tingin ng matandang babae sa kanya bago muling nagsalita. "Ah kayo po pala yong hinihintay ni señora nasa study room siya halikayo.."anito na iginiya sila patungo sa malawak na hallway ng mansion. Ilang pinto rin ang dinaanan nila bago tumigil sa tapat ng isang brown na pintuan. "Hangang dito nalang ako..."anang matanda na akma na sanang tatalikod ng magsalita siya. "Salamat po manang-.?aniya na hinintay banggitin nito ang pangalan "Ay pasensya na hindi ko papala naiipakilala ang sarili ko tawagin mu nalang ako manang elisa,isa ako sa mga maid dito sa mansion. "Ngumiti siya dito salamat po manang Elisa.." Gumanti ito ng ngiti at tuluyan na silang iniwan. Kumatok si malou sa pinto bago may nagsalitang babae mula sa loob. "Come in" Pagpasok nila sa loob ng kwarto isang magandang babae ang nakita nilang nakaupo sa likod ng lamesa my salamin ang mga mata nito at kahit may edad na itoy hindi kumukupas ang angking kagandahan. "Have a sit.."nakangiting turan nito Kaagad naman silang umupo sa bakanteng upuan sa harap ng table. "You must be malou..?anito "Tumawag sakin ang agency mo at sinabing dadating ka kasama ang bago kong kasambahay..?nakangiting turan nito sa sinulyapan siya, gumanti naman siya ng ngiti sa mabait na babae ,magaan ang loob niya dito at sigurado siyang magiging maayos ang trato nito sa kanya. "Yes mam this is arrabella your new maid.." "Hello po arrabella po at your service.." aniya na tumayo at inilahad ang kamay na agad naman nitong tinanggap. "Hmhmhm I like you.." "Salamat po.."masayang turan niya. Matapos ang pag paguusap ni malou at ni Mrs.Montillano nagpaalam sa kanya si malou at sinabing pag my free time ito'y dadalawin siya. At ngaun nga nasa loob siya ng isang di kalakihang kwarto na uukupain niya habang nagtatrabaho sa mansion na may maliit na kama at tokador. Kung ikukumpara ito sa kwarto niya sa kanilang bahay sa bicol mas magmumukang kwarto iyon ng katulong kaysa sa kwarto niya dito sa mansion. Kanina habang kausap niya si senyora Teresa pakilala nitong pangalan sa kanila ni malou,may nakita siyang lungkot sa mga mga nito ewan niya kung bakit pero parang may problema itong pinagdadaanan. At sa ilang minutong pakikipagusap nito sa kanila napansin niya ang angking kabaitan ng ginang palagi itong nakangiti. Inalis niya sa kanyang bagpack ang ilang pirasong damit na dala niya at inilagay sa tokador masyadong malaki ang tokador para sa kunting damit na kanyang dala. Nakita niya ang family picture nila ng kanyang pamilya sa kanyang bag talagang dinala niya ito para kahit asa malayo siya palagi parin niyang makikita ang kanyang ina at ama ganun din ang kanyang mga kapatid. Biglang nakaramdam siya ng lungkot na mimiss na niya ang mga ito,kahit isang araw palang niyang hindi nakikita ang mga ito'y parang buwan na ang pakiramdam niya tiyak matatagal bago sila muling magkitakita. Wala naman siyang cellphone at kanyang mga magulang para magkaroon sila ng kumunikasyon at sigurado siyang alalang alala na sa kanya ang mga ito. Makikigamit nalang siya ng telepono sa mansyon para tawagan ang kanyang pinsan at ipasabi sa kanyang mga magulang na may trabaho na siya at aus ang kanyang kalagayan dito sa manila. "Para sa inyo ito kaya ako lumayo.." naluluhang sambit niya sa larawan. Napabuntong hininga siya at ipinatong ang picture frame sa side table ng kanyang kama. Pabagsak siyang nahiga at ipinikit ang kanyang mga mata pagod na pagod siya sa maghapon na ito kilangan muna niyang magpahinga bago magsimulang magtrabaho at dahil sa sobrang pagod igunupo na siya ng antok. Mahihinang katok ang gumising sa kanyang natutulog na diwa, "Arrabella.." anang nasa kabilang pinto. Kaagad naman niyang inayos ang sarili bago binuksan ang pinto. Nabungaran niya ang isang dalagita nakauniporme katulad ni manang Elisa. "Pinatatawag ka ni tiya Elisa para mag hapunan.."seryosong turan nito kakaiba ang tingin nito sa kanya kaya pakiwari niyay hindi siya nito gusto. Hindi na nito hinintay ang tugon niya at agad na siyang tinalikuran kaya mabilis niyang isinara ang pinto at sumunod dito. Pagdating sa kusina naabutan nilang naghahain si manang elisa kaagad itong ngumiti ng makita siya. "Pasensya na sa pangaabala sa pamamahinga mo kaya lang ay oras na nang hapunan.." "Ok lang po gutom na nga rin po ako.."aniya na hinilot hilot ang kanyang tiyan. Napatawa naman ito sa aksyon niya at hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pag erap ng dalagita.Ramdam niya ang pagka disgusto nito sa kanya pero pipilitin niyang baguhin iyon. Ilang saglit pa'y may pumasok pa sa kusinang tatlong babaeng naka uniporme at isang lalaki na di nalalayo ang edad sa kanya gwapo ito at moreno dahil siguro sa lagi itong nakabilad sa araw kaya umitim ang balat nito nagpakilala ito bilang si Austin na isang hardenero at ang tatlong babae na kapwa niya kasambahay na si Marian , Sofia at Marina magaan ang pakikitungo ng mga ito sa kanya na parang matagal na silang magkakakilala maliban kay Anne ang dalagitang kumatok sa kanya at nalaman din niyang pamangkin ito ni manang Elisa. Pansin din niya ang kakaibang tingin ng dalagita kay Austin at alam na niya kung bakit. Dahil sa hindi siya kumain ng tanghalian naubos niya ang laman ng kaniyang plato. Pasado alas otso na ng gabi ng matapos silang kumain at maligpit ng kanilang kinainan. Pagkatapos noon ay kanya kanya nang nagpaalam ang mga ito para pumunta sa kanikanilang silid magkasama sa kwarto ang tatlong babae si Austin naman ay nasa labas ng mansyon ang kwarto kasama ang gwardya my sariling quarter ang mga ito sa labas ng mansyon.Si Anne naman ay si manang Elisa ang magkasama sa kwarto siya lamang ang walang kasama. Maayos naman ang unang linggo niya sa mansion at palagi ring umaalis si senyora Elisa para pumasok sa sariling kompanya bilang CEO nalaman niya ky manang Elisa na matagal na itong biyuda at may isang anak na lalaki na nasa america.  Na pinamamahalaan ang ibang mga negosyo doon ng pamilya hindi lang pala mayaman ang amo niya kundi bilyonaryo pa. Kaya pala may lungkot siyang nakikita sa mga mata ni senyora Teresa matagal na pala itong biyuda,at ang isa pang nakaklungkot may anak nga ito hindi naman nito kasama. Kahit mahirap lang sila masaya sila ng kanyang pamilya kapos man sa karangyaan busog naman sa pagmamahal ng kanilang mga magulang. Nakwento rin ng matanda na matagal na itong naglilingkod sa pamilya likas daw talagang mabait si senyora Teresa kabaligtaran daw ng anak nito na wala ng ginawa kundi bigyan ng sakit ng ulo ang ina. Pero hindi naman umano dating ganun ang binata pamula ng mamatay sa aksidente ang fiance nito tatlong araw bago ang kasal maging iba na ang ugali nito. Nasaksisan ni manang Elisa ang pagiging miserable ng buhay ng sinyorito pa mula ng mamatay ang nobya naging bugnutin at masungit, palagi din itong lasing at nakikipagbasag ulo at ibat ibang babae ang iniuuwi nito sa mansyon. Sobrang nagaalala ang ginang sa anak kaya naman nagdidisisyon ang huli na papuntahin ito sa America.At naging maayos naman ang kalagayan doon ng binata ngunit hindi na umano nagbago ang pagiging masungit nito at pagiging babaero. At ngayon nga ilang araw mula ngaun dadating ito para pumalit sa pwesto ng ina. Nagkaroon siya ng simpatya para sa binata at kaba sa dibdib ng malamang ito'y dadating. Wala siyang nakikitang kahit isang larawan nito sa mansyon ultimo mga baby pictures wala at sa tuwing naglilinis siya sa mansyon lagi siyang binibilinan ni manang Elisa na wag papasukin ang isang kwarto sa pangalawang palapag ng bahay utos umano ng senyora. Gusto sana niyang itanong kung bakit pero pinigil niya ang sarili ayaw niyang isipin ng matanda na tsismosa siya. Maalinsangang gabi ang pumukaw sa kanya tiningnan niya ang orasan alas dose na ng gabi nakaramdam siya ng uhaw kaya lumabas siya ng kwarto para kumuha ng tubig. Suot niya ang kanyang malaking T-shirt na umabot lamang sa gitna ng kanyang hita wala siyang suot na bra dahil kampante naman siyang walang makakakita sa kanya, Nang makarating sa kusina hindi na niya pinagaksayang buksan ang ilaw dahil kahit madilim alam na niya kung saan nakapwesto ang refrigerator. Kaagad siyang kumuha ng baso at sinalinan ng tubig pagkatapos uminom maayos niyang inilagay sa hugasan ang baso akma na siyang babalik sa kanyang kwarto ng may mabangga siyang matigas na bagay. Napakunot noo siya imposebleng mabanga siya sa pader malayo pa ang pader mula sa kanya dahil sa madilim hindi niya maaninag kung ano ito. Marahan niyang kinapa ang matigas na bagay sa harapan niya. Lalo siyang napakunot ng maramdamang mainit ito. "Oh my goodness ano ito..." Tanung niya sa isip hindi pader ang nabangga niya kundi tao nahalinhan nang takot ang kanyang pagkabigla.Napasok na yata sila nang magnanakaw kaya naman sa pagkataranta sumigaw siya nang malakas na malakas yung sigurado siyang mabubulahaw lahat nang tao sa loob nang mansyon. Mabilis na tinakpan ng estranghero ang kanyang bibig na lalo niyang ikinagimbal.Umikot ito sa likod niya at ikinulong siya sa mga braso nito kaya halos yakap na siya nito. "Will you please shut your f***ng mouth.." galit na turan ng estranghero. Nagulat naman siya sa tinuran nito. Grabing mag nanakaw ito nakakpag english pa Pilit naman niyang inaalis ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya pero malakas ito kaya hindi niya kayang alisin ang kamay nito na nakatakip sa kanyang bibig. Isang alaala sa eksena ang sumagi sa isip niya naalala niya ang napanuod niyang aksyon movie kung paanong nakawala ang babaeng hostage sa hostage taker nito. Huminga siya ng malalim bago ubod lakas itong siniko. "Oh sh***t.."bulalas nito na agad siyang pinawalan. Kaya nagkaroon niya ng pagkakataon para makawala sa mga bisig nito. Agad niyang binuksan ang switch ng ilaw at ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita ang estranghero o tamang sabihing angel na bumaba sa lupa. "Sino ka...? Aniya na tiningnan ito mula ulo hanggang paa na noon ay walang damit pang itaas tanging boxer short lang suot nito. Kahit nakangiwi ang mukha dahil sa iniindang sakit na dulot ng pagsiko niya,napakagwapo parin nito sa kanyang paningin mahaba ang itim nitong buhok na lumagpas sa gwapo nitong mukha matangkad din ito na sa tingin niya ay nasa 6feet ang taas kitang kita niya ang maskulado nitong katawan ang anim na animoy pandisal sa tiyan nito. Para itong modelo na nakikita niya sa mga magazine. "Ako dapat ang magtanong sayo kung sino ka at anong ginagawa mo sa bahay ko...?! Iritadong turan nito na huminto ang tingin sa kanyang dibdib. Kaagad naman niyang naalalang wala siyang suot na bra,itinakip niya ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib at taas noong tumingin dito. "Bahay mo?baka nagkakamali ka isang linggo nako dito at ni minsan hindi ko nakita yang pagmumukha mo sa loob ng bahay na ito..."galit na turan niya na nakipaglaban nang titigan sa lalaki. "Umalis kana bago pa ako tumawag ng gwardya.."dagdag niya. "Who are you to talk to me like that...?!galit na turan nito na dahang dahang lumalapit sa kanya."At higit sa lahat paalisin ako sa sarili kung pagmamahay..." Tiim bagang ito habang lumalapit sa kanya,at kung nakakamatay lang ang tingin nito baka kanina pa siya bumulagta sa sahig. Dahan-dahan siyang umaatras ang lakas ng tibok ng puso niya hindi dahil sa natatakot siya , hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakaramdam siya ng kakaibang kaba kabang may malalim na kahulugan. Patuloy itong lumalapit at patuloy rin siya sa pag atras hangang dumikit na ang likod niya sa pader. Nakita niya ang pag ngisi nito na lalong nagpabilis nang tibok nang kaniyang puso. "Wag- kang -lalapit kundi-..."nauutal niyang sabi. "Kundi- ano..? Patuyang turan nito na halos dalawang dangkal nalang ang layo ng katawan nito sa kanyang katawan kaya naman amoy na niya ang natural na mabango nitong amoy at halos maramdaman narin niya ng init na nag mumula sa hubad nitong katawan,halos umabot lang siya sa balikat nito. Napakatangkad nito kumpara sa height niyang 5'5. "Sabi wag kang lalapi kundi sisigaw ako..! Palabang turan niya.Hindi siya papatalo dito kahit napakagwapo ng mukha nito hindi siya magaatubiling ito'y kalmutin. Nakakaluko itong ngumiti kaya naman nasilayan niya ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin. "Sige sumigaw ka..."anito na.waring sinusubukan kung talagang gagawin niya. "Aba talagang pagsumigaw ako tiyak magigising ang lahat ng tao dito pati mga gwardya pupunta dito at tiyak mahuhuli ka makakasuhan ka ng trespassing...! Nako tulog mantika pa naman yata ang mga tao dito kanina pa siya sumigaw nang malaks pero hanggang ngayon wala pang may nakakamalay na napasok na sila nang mag nanakaw'.."aniya sa isip Pero hindi manlang niya ito kinakikitaan ng takot yumuko pa ito para mag tapat ang kanilang mukha. "Kala ko ba sisigaw ka..? Turan nito na amoy na amoy na niya ang mabangong hiningang tumatama sa kaniyang mukha,kulang nalang eh halikan siya nito. Ang taas ng pangarap muh arrabella at sino kanaman para halikan ng gwapong estranghero na yan",anang munting tinig sa kanyang isip. Akma siyang lalayo dito ngunit lalo lamang nitong iniharang ang sarili sa kanyang dadaanan. "Ayaw mu talagang umalis ha..."gigil na turan niya no choice siya kundi sumigaw. "Magna---"bago pa niya matapos ang sasabihin naikulong na ng lalaki ang mga labi niya sa mga labi nito. Nabigla siya at hindi makakilos naramdaman niya ang paggalaw ng malambot na labi nito at pagpupumilit pumasok ang isang panuhin sa loob ng kanyang bibig, Bulta-bultahing kuryente ang nanulay sa bawat ugat niya at ang tanging naririnig niya ay ang malatambol na tunog ng kanyang puso.Kakaibang sensasyon ang dulot nang halik nito sa labi niya.Nangatog ang kanyang tuhod pakiramdam niya tutumba siya kaya naman nawala sa sariling napakapit siya sa dalawang braso nito. Namalayan nalang niyang kusa niyang ibinuka ang mga labi at hinayaang makapasok ang munting panauhin sa loob nang kanyang bibig,nadadala siya sa kakaibang sensasyon dulot ng halik nito. Ginaya niya ang bawat galaw ng labi nito, hinapit siya nito palapit sa hubad nitong katawan. Humawak siya sa maskulado nitong dibdib para kumuha ng suporta nangangatong ang kanyang mga tuhod dulot ng nakakahilong halik nito. At ilang saglit pa'y namalayan nalang niyang magkahiwalay na ang kanilang mga labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niya ang nakakalukong ngiting naglalaro sa labi ng lalaki.Na kahalukipkip na ito sa harapan niya. Nag-init ang kanyang mukha at kahit hindi siya humarap sa salamin alam niyang namumula iyon na parang makupa. Gusto niyang batukan ang sarili kung bakit niya hinayaang nakawin ng lalaking ito ang kanyang unang halik. "Nagustuhan muna man diba.."anang munting tinig sa isip niya ,agad niya itong iwinaksi sa kanyang isip. "Anong karapatan mung halikan ako! Hindi kita mapapatawad ninakaw muh ang una kong halik...!namumulang turan niya. Nakita naman niya ang kakaibang kislap na dumaan sa mata nito bago ito nagsalita. "Bakit hindi mo ba nagustuhan.."nakangising turan nito. "Ang sama mo syempre hindi..! Galit na turan niya "Ah-ah hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo may hindi ba nagustuhan na gumanti nang halik you're a liar.." "Ang kapal--" "Sir Zach" Gulat na bulalas ng matanda na dahilan para maputol ang akma sana niyang sasabihin. Sir Zach! Sir Zach oh my G its him the one and only son ni mam teresa! Nagulantang siya sa narinig at nalaman nagyuko siya nang ulo para itago ang pagkapahiya. "Oh manang Elisa will you please tell this girl who I am..."anito na itinuro siya. Naguguluhang tumingin sa kanya ang matanda,at kahit hindi na ito umimik alam na niya ang sasabihin nito. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan sa sobrang pagkapahiya para rin siyang binuhusan ng malamig na tubig kung pwede lang sabihin niya sa tilefloor ilubog na siya para mawala na siya sa harap nang dalawa sinabi na niya. "Arrabella siya si sir Zach ang nagiisang anak ni mam Teresa.." Anang matanda nakita niya sa mukha nito ang pagaala bago muling tumingin sa binata. "Sir Zach siya po si arrabella ang bagong kasambahay ninyo.." Nagtiim bagang ito bago nagsalita kita niya sa mukha nito ang pagka irita. "Oh really new maid..'' diin nito sa huling salita. Umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo anong ibig sabihin nito sa huling sinabi, "Oo maid ako at hindi ko un kinakahiya.." taas noo niyang turan. Marangal itong trabaho at higit sa lahat wala akong tinatapakan o nilolokong tao sir Zach.."diin niya sa pangalan nito. "Tama ba ako sir.."dagdag niya. Nakita niya kung panong gumalaw ang bagang nito,at kung panong nanlaki ang mata ni manang Elisa sa tinuran niya. Alam niyang naka isa siya, nanalo siya ngaun hindi niya alam kung mananalo pa siya sa susunod na mga araw na kasama ito pero hindi niya hahayaang magpatalo nalang basta kung masama ang ugali nito tatapatan niya. "Sinusubukan mo ba ako.." galit na turan nito. "Kung yan ang tingin mo baka tama ka.."aniya na nakipaglaban nang titigan dito. " Tingnan natin kung sino ang unang susuko..." matigas na turan nito bago siya nilampasan lumabas at deredritsong lumabas nang kusina. Naiwan naman siyang nanghihina. Napasandal siya sa pader pakiramdam niyay inagawan siya ng lakas. "Bakit mo sinagot si sir Zach siguradong pahihirapan ka niya.." nagaalalang pukaw ni manang Elisa . "Wag po kayong magalala kaya kong tapatan ugali niya.Sige po babalik nako sa kwarto ko..."aniya na tinalikuran na ito. NAng makabalik sa kanyang silid nangangatong ang tuhod na nahiga siya sa kanyang kama naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit hinayaan niyang halikan siya ng aroganteng lalaking yon. "Kunwari kapa gusto mo rin nman wag ka na ngang mag inarte "sabi ng munting tinig sa isip niya, "Hindi" matigas na turan niya sa sarili. Hindi ganito ang pinangarap niyang maging unang halik , hindi sa ganung paraan,pero pilit man niyang itanggi sa sarili hindi niya mapigilang humanga dito kahit na ubod nang arogante at yabang.Pero Ito na yata ang pinaka gwapong lalaking nakita niya sa labing walong taong gulang na nabubuhay siya sa mundo. Pilit siyang pumikit para muling bumalik sa pagtulog pero sa tuwing pipikit niya ang mata mukha ni Zack ang nakikita niya. Para muling makatulog nagbilang siya ng tupa na kadalasan na niyang ginagawa sa tuwing tinatakasan siya nang antok at bago pa niya namalayan nahulog na siya sa karimlan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.2K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.8K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.0K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.3K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook