✘First Adventure

1624 Words
*The tragedy* Amaya's POV Hindi ko alam kung bakit ayaw pa akong pauwiin nila kuya gayong ngayon naman ang ika labing walong kaarawan ko, nagtataka talaga ako. Hindi kaya may surpresa sila sakin? Kaso imposible, I mean sa clan namin hindi uso ang surpresa. Simula noong mga nakakapanood ako ng mga movies at nakakabasa na ako ng mga fiction na libro hinangad ko nang masurpresa din ako sa bawat kaarawan ko at siguro, sana ngayon na ito mangyayari. "Okay class dismiss!" Kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Excited ako para umuwi at hindi ko man alam kung bakit bukod sa pagka excite ko ay nakakaramdam ako ng kaba. Kakaibang kaba yung tipong may mangyayari. "Happy birthday Rei" nakangiting bati sakin ng mga classmates ko. "Thank you" sagot ko naman. "Hindi mo ba kami yayayain sa bahay mo?" Natahimik ang lahat sa sinabi ng isa pa naming classmate "Hahaha joke lang grabe kayo ah sineryoso nyo. Alam ko naman kung gaano kaseryoso or ka-strict ang family mo" tapos nag pout sya at natawa naman kami. Nauna na akong umalis sa classroom at okay lang rin naman yun sa kanila. Gaya nga ng sinabi ng isa kong classmate strict ang pamilya ko. Kilala ang pamilya namin bilang isa sa pinaka respetado sa mundo ng pulitika at ang kuya ko naman ang susunod na head ng clan namin at ako? Ako naman ang susunod na speaker of the house ng pamilya namin. Habang palalapit ako sa bahay mas lalong pumipintig ng mabilis ang puso ko at para din namang nay nasasabi sa akin na huwag na muna tumuloy sa bahay at magpahangin na muna saka ako umuwi pag okay na ang nararamdaman ko kaya lang hindi naman ako sanay sa ganitong gawain.  Isa sa rules ng pamilya namin pagdating sa babae ay huwag magpapagabi bago mag six dapat nakauwi ka na. Nakakasakal sya minsan pero alam ko na para din naman sa amin iyon kaya hindi na rin ako nag rereklamo gaya ng mga pinsan kong walang ibang ginawa kundi magreklamo. Bago ako umuwi nagpaload na muna ako, kailangan ko kasi ito dahil marami na ang nagtitext sa akin na kailangan kong replyan mamaya bago matulog. Pag kuha ko ng cellphone agad namang bumungad sakin ang tawag ni kuya. "Hello kuya?" Sagot agad dahil ayoko magalit to pero hindi pa naman sya nagagalit sakin kahit isang beses mas mahal nya nga ako kesa sa lahat eh. "Maya huwag ka na muna umuwi!" "Huh? Bakit po kuya? Ayoko mapagalitan ni Grandma." "Makinig ka Maya! Magiging delikado ang buhay mo kapag umuwi ka kaagad" kinabahan naman ako halata kasing seryoso ang boses ni kuya. "Kuya nagbibiro ka lang di po ba? Kuya alam ko na birthday ko ngayon pero wala namang ganyanan nakakamatay sa kaba tong ginagawa mo eh" "Makinig ka---" Patay deadbat. Yae na nga magkikita rin naman kami sa bahay saka isa la malapit na rin naman ang bahay namin. Limang bahay na lang naman tapos isang open forest ang dadaanan ko bago makauwi sa bahay namin kung saan nakatayo ang bahay namin sa gilid ng bangin. Sa dulo kasi ng bayan ang bahay namin at sa dulo nun may bangin at doon nakatayo ang bahay namin. Hindi ko alam kung bakit doon naisipan ng ninuno namin na magtayo ng bahay but its okay kasi doon nakakalma ko ang sarili ko kapag stress ako sa pag aaral at sa pagiging soon to be speaker of the house. Medyo madilim na lagot ako nito kay Grandma pag nalaman nyang ganito akong oras nakauwi shocks maiingay pa naman bibig nila auntie, hala anong gagawin ko? Bigla na lang akong nataranta pero paglabas ko ng gubat bumungad sakin ang walang ilaw na mansion. Nakakapagtaka. Magsisix na ng gabi pero wala pa ring ilaw ang mansion kahit isa. Binuksan ko ang gate at napatigil naman ako dahil sa kaba na para bang may nagpipigil talaga saking huwag tumuloy. Pagharap ko sa double door ng mansion ay agad ko naman itong binuksan pero walang katao tao. Kadalasan pagpasok mo pa lang may makikita ka nang mga maid na sobrang busy sa paglilinis. Tanging ilaw lang mula sa papalubog na araw ang nagiging gamit ko para makita ko ang loob ng mansion. "Kuya? Auntie? Uncle? Grandma?" Tawag ko sa kanila pero ni isa sa kanila wala man lang sumagot mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko na ng surprise! Hindi ko naman alam na ganito pala kakaba! "Kung may surpresa man po kayo lumabas na naman kayo oh! Hindi ko na gusto to para na kong mamamatay sa kaba" nagawa ko pang mag biro pero pati sarili ko di natawa sa biro ko. Naglakad pa ako papunta sa kwarto ko, magkakasunod lang kasi ang kwarto namin at sa dulo nitong pasilyo ng mansion namin sa second floor ay ang office ni lola at nila tito at tita. Habang naglalakad ako nagtaka ako ng may matapakan akong basa. Tubig? Naku Amaya napaka imposible. Hindi pumapayag si lola ng may kahit na anong kalat sa buong mansion kahit kwarto namin kailangan malinis lagi. Inangat ko ang paa ko at nagtaka lalo. Bakit malapot ata? Napatingin ako sa bintana na nasa gilid ko lang. Mukhang uulan ata, hindi ko pa naman kabisado ang bukasan ng ilaw dito da mansion. Sila lola at ang maid lang ang nakakaalam. Nakakatatlong lakad pa lang ako ng matumba ako dahil sa napatid ako. Shemay bakit ako napatid? Napalingon ako sa likod ko at halos hindi ako makagalaw sa nakita ko. Napatakip ako ng bibig ko at pinigilan na huwag naiyak. Hindi kaya may nakapasok sa mansion? Dahil sa adrenaline rush ay agad akong tumakbo sa office na kwarto ni Grandma. Kahit sya ang pinaka maldita at istrikta dito sa mansion ay sya pa rin ang isa sa nagpalaki sa amin, wala na si mama sabi sakin ni Grandma noon namatay daw si mama sa panganganak sakin and my dad? Patay na rin daw sya. Hingal na hingal akong dumating sa harap ng office ni Grandma at agad ko itong binuksan, sanay na si Grandma sakin sa hindi ko pagkatok pagpapasok ako dito. Agad akong napaupo sa nakita ko at hindi ko na maiwasan ang hindi maiyak. Una ang mayordoma sa bahay namin ang nakita kong naliligo sa sarili nyang dugo tapos ngayon sila auntie? "Auntie Lor?" Si Auntie Lor ang pinaka close ko sa lahat ng tita ko sya ang kapatid ni daddy at best friend ni mommy. Mas lalo naman akong napahagulgol ng makita ko sila Trix, Bea at Marga na nakahiga din at naliligo sa sariling dugo, sila ang pinaka close ko sa mga pinsan ko. Magkakasing edad lang kami at sila ang best friend ko sa lahat. "Maya?" Napatigil naman ako at naglakad papunta sa desk ni Grandama nakita ko syang nakahiga sa ilalim nito at may saksak sa tyan at naliligo na din sa dugo nya. "Grandma" umiiyak kong sabi. "Grandma hintay lang ah tatawag ako ng pulis at tatawag na rin ako ng ambulansya kapit lang Grandma wag mo ko iwan" "Umalis ka na Maya" "Grandma naman wag ka pong ganyan" "Maya umalis ka na kailangan nilang mapatay tayong lahat" "Grandma wag ka na po magsalita please? Hirap na hirap ka na eh" "Maya makinig ka unalis ka n--" Napatil naman ako ng may marinig akong hampas ng bakal sa pinto. Napatayo ako at nakita ko ang lalaking may hawak ng bakal sa kanang kamay nya at kutsilyo sa kaliwa nya naman. Tumingin sya sakin at ngumisi. "Akala ko napatay ko na lahat buti na lang pala at bumalik ako" Nakakatakot ang boses nya, napaatras ako ng umabante sya at mas lalong lumawak ang mga ngiti nya sa labi nya. "Si-sino ka?" Nangangatog na tanong ko sa kanya. Baliw lang Maya? Para namang sasabihin nya kung sino sya di ba? Aist ang boba mo naman! Kailangan mo nang umalis dito. Nakasandal ako ngayon sa glass window na nasa office ni Grandma alam ko sa likod nito ang garden na malapit sa bangin. "Tutal mawawala ka rin naman sige sasabihin ko sayo. Inutusan ako para patayin ang angkan nyo, para wala hindi na kayo mamuno dito sa bayan, sawa na kasi sila." "Si-sino ang nag utos sayo?" Yan sige kausapin mo muna sya Maya hanggang sa mabuksan mo ang bintana. "Sabihin nating kalaban ng pamilya nyo?" Gotcha! Agad akong tumakbo papalabas ng mansion pero agad din naman akong natumba dahil sa may tumama sa paa ko. Kahit masakit at naiiyak ay agad pa rin akong tumayo shemay wrong way bakit dito ako sa bangin pinunta ng paa ko? Di din ako bubuhayin ng dagat sa baba! "Paano ba yan wala ka nang matatakbuhan?" "Demonyo ka!" "Napag utusan lang ako soon to be Speaker of the house. Sayang lang hindi mo na magagampanan ang tungkulin mo dahil sa ngayon na ang huling araw mo sa mundong to" Anong gagawin ko? Naiiyak akong tumingin sa kanya pero wala pa ring awa na nakalagay sa mukha nya para bang sanay na sanay na sya sa mga makikita nya para bang gawain nya na to. "Wala namang ginagawang masama ang pamilya namin ah! Bakit nyo sila pinatay at bakit nyo ako papatayin?" Naiyak kong sabi sa kanya. "Kasi pagbinuhay kita ako ang mamamatay kaya pasensya na miss" Lumapit sya sakin at umiling naman ako. "Please let me live" naiyak kong sabi pero wala pa ring balak magbago ang isip nya lumapit pa rin sya sakin. Tumingin ako sa ilalim ng bangin at tumingin ulit sa lalaki dahil nakita ko ulit ang nakakainis na ngiti nya. "Hindi ka rin bubuhayin ng bangin na yan Ms. Rei" sabi nya at lumunok ako ng laway ko "Di baleng mamatay ako sa pagtalon kesa mamatay ako sa kamay mo" Hindi ko alam kung anong kabaliwan ang inisip ko pero tumalon ako, nakita ko ang lalaki na sumilip at umiling. Tumili ako ng malakas at agad din namang pumikit at hinanda ang sarili ko sa pag bagsak sa tubig. Halos mahilo ako sa lakas ng bagsak ko at agad naman akong napalunok ng tubig. Halos lahat ng memory ko ay nagflashback sakin. Ganito pala? Pag mamamatay ka na pala ganito pala? Please someone help me. After kong sabihin nun parang may liwanag na bumalot sa katawan ko at di ko na alam ang kasunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD