bc

The Hot Billionaire is in Love (The Billionaire Series 2)

book_age18+
35.2K
FOLLOW
212.2K
READ
possessive
fated
pregnant
dominant
brave
inspirational
twisted
sweet
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

A collaboration with Hestia_GAD, Camillebratz, Gorgeous Journey, Criptica_G, LavenderPen, Filipinang Manunulat, and MYSTICALROSE

Parang ketchup at isang isda na nagsama ang isang lalaki na hinahabol ng kamatayan at isang babaeng araw-araw nakikipagsapalaran sa mga bastos na lalaki sa bar na kanyang pinapasukan.

Kailangan nang tulong ng binatang si Jason Ryle Cansino at ang isang dalaga lamang na si Ayeza Blythe Filomeno ang makapagbibigay nito. Pagmamahalan na hindi susukatin sa katayuan mo sa buhay. Pagmamahalan na handang ipaglaban sa kahit saang nagpuputukang mga bala.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Enjoy your drinks, sir." Malawak ang ngiti sa labi ko matapos kong ibigay ang mga inumin nila. Panibagong araw at panibagong pagtitiis na naman sa mga customer. Konting araw na lang din naman at titigil na ako dito. Matatapos na ang kontrata ko at maghahanap na ako ng panibagong trabaho. Hindi nga nila nakikita ang mukha ko dahil sa maskarang nakatakip pero pakiramdam ko nabasag nila ang buong pagkatao ko lalo na ngayong may naramdaman akong kamay sa pwetan ko. "Baka gusto mong matulog sa condo ko," sambit ng lalaking humawak sa pwetan ko. Gusto ko sipain siya ng napakalakas pera siguradong ako lang ang madedemda. Bawal pa naman dito ang tumangi lalo na kung VIP waitress ka. Konting tiis na lang at makakawala rin ako dito. "No, thanks. May nauna na kasi sa'yo," nakangiti ng pagsisinungaling ko at tumalikod na. Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad at ang mga kamay ko sa galit. Gusto kong manakit pero bawal. "Ayeza, room 52. May naghihintay sa'yo. Customer mo raw," sambit sa akin ng kapwa ko waitress. Tumango ako sa kanya at dumiretso paakyat sa VIP room. sa sobrang dami kong naging customer hindi ko alam kung sino ngayon ang bumisita sa akin. Sa ilang taon kong pagtatrabaho dito bilang isang VIP waitress, iilan lang ang mga kilala kong naging customer ko. Mga customer na may nagawang kasalanan sa akin ang pinaka natatandaan ko. Sana naman maayos ang customer ko ngayon at madaling utuin. Sana lang at makatakas rin ako agad. Ayaw na ayaw ko pa naman nagtatagal kasama ang customer. Huminto ako sa harapan ng vip room kung saan may naghihintay sa akin. Napapikit ako at napayuko. Kailangan ko na namang magtiis ng ilang oras na pakikisama. Kailangang gawin para sa anak ko. Anak ko na lang dahil wala na ang isang tao pang naging inspirasyon ko. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya na padilat ako pero hindi agad ako nag-angat ng tingin. Nakita ko ang isang napakagandang sapatos sa harapan ko. Ang laki ng sukat ng paa nya base sa sapatos na suot niya. Napakabangong binata ang nasa harapan ngayon Dahan-dahan na umangat ang tingin ko sa binatang nasa harapan ko at parang mauubusan ako ng hangin nang masilayan ko ang mukha nito. Ang kilay niyang napakaperpektong tignan, ang mga mata niyang mapupungay, ang buhok niyang nakataas at ang ilong niyang napakatangos tulad ng sa anak ko. "S-Sir—" "Ang tagal mo naman yata," malamig na turan nito at tumalikod na sa akin. Pumasok siya sa loob ng kwarto at sumunod naman ako. Mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makita na walang kahit na sinong tao dito maliban sa aming dalawa. Ang akala ko pa naman kasama niya ang mga kaibigan niya. Ang mas nakakapagpakaba pa sa akin ay ang malaking kamang nasa VIP room. Isa lang ang ibig sabihin kapag may kama sa loob ng VIP... May magaganap na mainit na pagsasalo ng katawan. "S-sir, bakit po kayo lang?" tanong ko kay Ryle. Sinigurado kong iniba ko ang boses ko upang hindi niya ako makilala. Tsaka bakit naman siya nandito ng hindi kasama ang fiancee niya. Sobrang laking issue nito kapag may nakakita sa kanya na nandito sa loob ng VIP room kasama ang isang pokpok sa bar. "Why? Do you want threesome or foursome?" Lumakad ito patungo sa maliit na sofa at naupo siya doon. Dumikwatro ang hita niya habang ako ay nakatayo pa rin malapit sa pintuan. Ibang-iba na siya. Mas lalo pang lumala ang pag-uugali. Grabe sobrang baba nang tingin niya sa akin. Paano pa kaya kapag nalaman niya na ako ang babaeng minahal siya noon este ginamit. "Sa totoo lang hindi naman ako nag-o-offer ng sex," bulong ko sa sarili ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko ibinibigay ang sarili ko kahit kanino. Tinataya ko ang buhay ko para lang hindi magalaw ng kung sino man tapos viola! May iba na pala siya ay ginamit lang ako. May pa sabi-sabi pa siya na hindi naman ako dapat ikahiya pero siya ang kapal ng mukha niyang gamitin lang ako. Sinayang niya ang pagmamahal kong tapat. Bad luck sana ang buong buhay mo. "May sinasabi ka?" tanong sa akin ni Ryle. Ngumiti ako ng napakalawak sa kanya at naupo sa gilid ng kama, "wala po, sir." Maling kabahan ako. Hindi dapat niya makita na kinakabahan ako dahil baka mamaya isipin pa niya na natatakot ako sa kanya. Wala akong dapat na ikatakot sa kanya. "Hindi ka nagpapagalaw sa iba pero sa kaibigan ko ang bilis mong sumama," aniya. Napantig ang tenga ko sa sinabi niya ay parang gusto kong lumapit sa kanya at bigla siyang sipain sa gitnang bahagi ng dalawang hita niya. "Bakit parang apektado, sir?" madiing sambit ko sa huling salita. Wala dapat siyang pake sa tulad kong isang waitress lang. Hindi dapat niya pinapakialaman ang buhay ko at mas lalong hindi niya dapat ako kinuha dito. Ikakasal na siya pero nagagawa niya pa rin lumandi. Mabuti na lang talaga at hindi kami ang nagkatuluyan dahil baka mamaya sampung kabit na mayro'n siya. Baka makapatay pa ako ng babae sa wala sa oras. "Naaawa naman ako sa fiance mo," kunyaring malungkot na sambit ko habang nagtatagis naman ang panga niya at salubong ang kilay sa akin. "Hindi pa nga kayo ng kasal, pero naghahanap ka na agad ng kabit." hindi ko naman akalain na pagkatapos ng pitong taon na panggagamit niya sa akin ay gagamitin niya ulit ako. Nag level up nga lang ngayon. Dati ginamit niya lang ako para magkaroon ng tagapag-alaga pero ngayon ginamit naman niya ako para magkaroon siya ng kabet. Grabe awang-awa ako sa sarili ko. Para akong aso na naghihintay ng pinagsawaang buto. Hindi para sa akin ang ginagawa niyang panloloko. Mabuti akong tao at hanggang sa nakakaya ko tumutulong ako. Sa sobrang puti ko ba, ganitong kapalit ang matatanggap ko? "You." Ang mga mata niya ay naglalagablab sa apoy dahil sa sobrang galit sa sinabi ko. Malamang lahat ay totoo at sapul na sapul siya. Kahit pa paano nabawasan ang sakit na ipinadama niya sa akin dahil natapakan ko ang pagiging lalaki niya. "Gusto ko ng maayos na buhay, sir. Ayokong pumasok sa gulo kasama ka. Ayoko na... Ulit."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.0K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.2K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.1K
bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

That Professor is my Husband

read
504.6K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
165.9K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
308.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook