Lina NANG makaalis si Ninong ay inabala ko na lamang muli ang sarili ko sa paglilinis ng buong bahay. Ako lamang din namang mag-isa ang naririto ngayon at para na rin hindi ako ma-buryo. Ini-laundry ko ang lahat ng mga labahan namin ni Ninong, kasama na rin ang mga bagong damit ko na binili sa akin ni Kuya Darell kahapon lang. May ilang piraso pa ng mga damit si Tita Gilda na naiwan din sa laundry basket. Napatitig na lang ako sa mga ito bago isinama sa washing machine. Dalawang araw na ang nakalilipas na mukhang hindi siya nagpaparamdam. Nagkakausap kaya sila ni Ninong sa phone? Saan kaya siya naroroon ngayon at anong ginagawa niya? Kailan naman kaya siya uuwi? Sana ay huwag na lang siyang umuwi. Maghihiwalay na rin naman sila ni Ninong. Lumabas na muna ako ng laundry room matapos ko