HINDI mapakali si Jero sa kanyang kinaluklukan habang sa kasalukuyang nagpupulong ang grupo. Tinatalakay ng pinuno nilang si Dario ang tungkol sa lumalaganap na virus sa bansa. Kanina pa siya hindi mapakali dahil hindi niya maramdaman ang aura ni Katrina sa bahay nila. Gusto na niyang tumakas sa pagpupulong na iyon pero hindi niya magawa dahil mahalaga ang paksa nila. Malayo siya sa daddy niya kaya hindi niya ito mapakiusapan. Mamaya ay napatingin siya kay Erman nang bigla siya nitong kalabitin. Nasa pagitan nila si Devey. May iniabot na kaperasong papel sa kanya si Erman. Umalis ka na, akong bahala, sabi sa sulat ni Erman. Nagtiwala naman siya rito. Habang nakatalikod si Dario ay sumalisi na siya. Tahimik sa labas at walang umaaligid na mga bampira. Paglabas niya ng academy ay madili

