DAHAN-DAAHAN kong inalis ang kamay ni Drake sa bewang ko upang hindi siya magising. Alas-otso ng umaga at kailangan kong bumangon dahil pupunta kami sa puntod ng magulang ko. Sinikap kong wag gumawa ng ingay dahil madaling araw ng natulog si Drake. Paglabas ko ng kuwarto nakita ko si Sevie na nakatingin sa malaking portrait ng magulang namin. Kuha ‘yon noong kasal nila. “Anong oras tayo pupunta sa puntod nila?” Lumingon si Sevie. Nakita kong namumula ang mukha niya halatang umiyak siya habang nakatingin sa larawan ng magulang namin. Ngayon na tayo pumunta. Nakausap ko na ang pari na magmimisa sa puntod nila ngayon umaga.” “Okay, kakain lang ako ng almusal.” “Kasama ko ang asawa ko pero ‘wag mong isama ang asawa mo,” wika ni Sevie. Kumunot ang noo ko. “Napapansin ko ang bigat ng loo

