GISING na ako ngunit hindi ako bumabangon dahil nakayakap sa akin si Orly. Ayokong magising siya at alisin ang kamay niya sa bewang ko. Komportable ang pakiramdam ko habang nararamdaman ko ang yakap niya. Sa ilang linggo namin magkasama ay napalapit na ang loob ko sa kanya. Gusto kong lagi na kaming magkasama. Tumunog ang telepono ni Orly ngunit hindi siya nagising sa tawag. Kinuha ko ang telepono niya at upang sagutin ang tumatawag sa kanya. “Hello, Orly, where are you?” Feeling ko umakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ko ang boses babae. “Who are you?” Hindi ko napigilan magtaray. “Ikaw, sino ka?” sagot ng babae. Mas lalo akong nainis dahil binalik niya ang tanong ko sa kanya. “I’m his wife,” sagot ko. “Oh, kailan pa nag-asawa ang pinsan ko?” Biglang umurong ang lahat ng inis

