Kabanata 1: Allyson

3068 Words
“Get out! Inubos mo na basag mga plato ko. Lugi negosyo ko sa 'yo,” pagtutungayaw ng Intsik na may-ari ng restaurant na pinapasukan ko bilang waitress at tagahugas na din ng mga plato. Paano biglang pumasok ito at nagtutungayaw sa hindi ko alam na dahilan kaya nagulat ako at nahulog ang ibang plato na hawak ko para sana patuyuin. Pinagtitinginan ako ng iba kong kasamahan. Iiling-iling silang pinanood ako habang hinuhubad ang suot kong apron. “Oh kayo? Ano titingin niyo diyan? Magsitrabaho kayo, para di lugi negosyo ko,” pagtutungayaw din nito sa iba. Agad namang nagpulasan ang lahat at nagsibalik sa kani-kanilang trabaho. “Oh ikaw, ibabawas ko sa sahod mo ang halaga ng mga plato,” baling nito sa 'kin. I just heaved a deep sigh. I have no choice eh siya ang may-ari ng pinagtatrabahuan ko and I am not a regular employee nor contractual, I am just a part-time waitress na tuwing weekend lang or walang pasok nagtatrabaho. Tinanggap ko ang natirang sahod ko sa dalawang araw na pagpasok. It's Sunday and inaasahan ko sanang ang kikitain ko ay pambili ng projects sa school. I'm a scholar, taking up Business Asministration major in Marketing Management or BSBA- MM and graduating kaya ang daming gastusin. Labandera ang nanay ko at may dalawa pa akong kapatid, nasa high school na din sila. Kasalukuyang nasa bahay si Mama dahil pinatigil ko sa paglalaba. Mag-isa niya kaming itinataguyod since nawala ang Papa namin. As the eldest among the three, I took the responsibility to provide for our family's needs since Mama is no longer working. The reason why I juggled myself in different types of jobs as long as it is decent and I can earn enough to sustain our needs. “Ally, ayan, dagdag mo sa binigay ng chikwa na 'yon,” sabi ni Nadia sabay abot sa akin ng pera pagkatapos akong habulin dito sa labas. Nadia is one of the regular employees in the restaurant. Mababait silang lahat sa akin and they openly expressed their admiration towards me sa pagiging masipag ko daw. Everyone knows why ganito na lang ang pagsusumikap kong magtrabaho na sana'y nasa bahay ako nagpapahinga after a week of stress from school. I'm twenty-four years old at graduating pa lamang sa susunod na semester. Ilang taon akong nahinto sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Medyo matalino naman ako kaya nakapasa ako sa scholarship na inaplayan ko noon at iyon ang nagtawid sa akin hanggang ngayong malapit na akong magtapos. Ang paglalabandera ni Mama ay para alalayan din ako sa iba pang gastusin at ang mga kapatid ko. Pero dahil nga pinahinto ko siya ako itong todo kayod para mapunan lahat ng pangangailangan namin. “Tanggapin mo na 'to, Ally. Alam naming kailangang-kailangan mo ng pera ngayon. Nag-ambagan kaming lahat para malikom 'yan,” wika pa ni Nadia. I fell into tears. 'Di ko na napigilang maluha sa magkahalong tuwa at awa, hindi ko alam. Pakiramdam ko kasi ang bigat na ng dinadala ko at idinaan na lang sa pagluha. “Maraming salamat, Nadia. Napakabuti ninyong lahat sa 'kin. Balang-araw makakaganti rin ako sa kabutihan niyo,” tugon ko sa kanya at tinanggap ang bigay niyang pera. “Sus! 'Yaan mo na! Kusa naming ibinibigay 'yan. Oh s'ya! Babalik na ako sa loob at baka ako na naman ang pag-initan ng intsik na 'yon." Paalam nito sabay mabilis na umalis. Agad na rin akong umalis. Dumaan muna ako ng palengke para bumili ng bigas at uulamin namin bago dumaan pa ng botika para mabili ang gamot ni Mama. I'm striding back home when I met our neighbor Mang Bernardo. Isa siyang messenger sa pinakamalaking kompanya dito sa Cebu na pag-aari ng mga Morcuendez. “Oh Ally, napaaga yata ang uwi mo ngayon?” Tanong ni Mang Bernardo nang pumantay na kami sa daanan. “Opo! Kasi po nasisante na naman ako doon sa pinapasukan ko na part-time job. Nabasag ko po kasi ang mga plato sa sobrang gulat sa boses no'ng boss,” nahihiya kong tugon. Napangiti lamang ito. Mang Bernardo is living alone two houses from our house. Ang dalawang anak nito ay may mga pamilya na at nasa Maynila na lahat nagtatrabaho. May hinugot ito sa kanyang maliit na bag at inabot sa akin. Pera ang ibinigay niya. It wasn't the first time na nagbigay siya ng tulong financially. “Kunin mo na 'to. Alam kong marami kang kakailanganin. Pasasaan ba at makapagtapos ka din at makahanap ng matinong trabaho,” wika ulit nito. “Marami na po kayong naitulong sa amin, Mang Bernardo. Nakakahiya na po.” Sinubukan kong tumanggi pero nagpumilit itong kinuha ang kamay ko at inipit ang pera doon. “Oh s'ya, ako'y aalis na. Pupunta pa ako ng syudad.” Paalam nito. “Salamat po talaga, Mang Bernardo.” Habol na sabi ko sa kanya nang bigla siyang napatigil sa paglalakad at lumingon sa akin na nagliliwanag ang mukha na parang may naalala. “Bakit po?” Nagtataka kong tanong. “Ito Ally, kunin mo 'to. Makakatulong 'yan sa 'yo." He handed me a business card. MORCUENDEZ GROUP OF COMPANIES It is beautifully printed on the business card at sa ilalim nito nakalagay ang pangalang, Belinda Morcuendez bilang President. Nakasulat din ang mga numerong pwedeng tawagan. “Para saan po 'to, Mang Bernardo?” “Pumunta ka ng opisina kapag may oras ka. Irerekomenda kita sa boss ko. Maari kang magpa-set ng appointment sa numero na 'yan mula bukas. Ipapaalam ko muna sa kanya mamaya na may irerekomenda ako para kapag tumawag ka ay i-entertain ka ng sekretarya,” tugon nito. “Talaga po, Mang Bernardo? Maraming salamat po!” Sa sobrang tuwa ay nayakap ko si Mang Bernardo pero agad siyang kumalas. “Bata ka, hala uwi na at naghihintay na ang Mama mo. Dumaan ako do'n kanina, nag-iisa siya at panay ang ubo,” saad pa nito bago tuluyang umalis. “Maraming salamat po ulit!” Hindi ko maialis ang tingin ko sa business card na hawak ko. Who could have thought na makakaapak na ako sa kilalang building sa buong probinsiya ng Cebu at hindi lang dito sa Cebu kundi pati sa loob at labas ng bansa kilala ang Morcuendez Group of Companies. To be honest, pangarap kong mapabilang sa kompanya nila. Halos yata sa University, bukambibig lalo na ng kagaya kong babae ang mapabilang sa kompanya. Pero ako, purely business lang kaya ko pinangarap ang mapasok doon. To find a decent job that fits my course is the reason why I am dreaming to be one of Morcuendez employees. Hindi kagaya ng iba kong kakilala na personal ang pakay; the chief-executive-officer of the company. Ang nag-iisang anak ng mga Morcuendez. Pero nasaan na nga ba siya? Wala nang balita sa kanya since the last motorcycle racing na sinalihan nito. “Haaay...bakit ko nga ba siya iniisip?” I heave a sigh and continue striding back home. Nagmamadali ako na makarating sa bahay dahil malapit na ang oras para maghanda ng para sa hapunan. Nasa tarangkahan palang ako ng bahay namin pero dinig na dinig ko na ang sunod-sunod na pag-ubo ni Mama. “Ma! Ma! Nandito na po ako!" Tawag ko kay Mama while putting all the stuff I bought sa ibabaw ng lamesa sa kusina. Iyon na din ang silbing dining namin. Maliit lang ang bahay namin na gawa sa kalahating semento at light materials. May tatlong rooms na ang isa ay para kay Mama, sa akin at sa isa naman ay para sa dalawa kong kapatid na lalaki. Wala sila ngayon dahil kagaya ko, nagtatrabaho din sila kapag weekend. “Anak…” paos ang boses na tawag ni Mama sa 'kin. Inilapag ko ang aking bag at pumasok sa kwarto niya. Nakahiga ito sa katreng gawa sa kahoy. “Ma!” Agad ko siyang dinaluhan when she is about to get up. “Magpahinga ka na muna at huwag magkikilos,” pigil ko sa kanya. “Natanggal ka na naman ba sa pinagtatrabahuhan mo?” Usisa nito kahit hirap sa pagsasalita dahil sa pag-ubo. “Opo!” Mahina kong sagot. Alanganin ako pero ina ko siya at alam na alam na niya kung kailan may good news o bad news akong dala. “Pero hayaan mo po Ma at makakahanap din ulit ako ng trabaho,” wika ko na pinasigla ang boses habang inalalayan siyang ayusin ang kanyang pagkakahiga. “Anak, patawad kung nahihirapan ka na ha,” saad nito. “Ma, okay lang ako. Obligasyon ko rin naman kayong alagaan. Mahabang panahon din na nagpakapagod at nagtitiis kayo para sa aming magkakapatid,” tugon ko sa kanya na pinagsalikop ang aming mga palad. “Kung buhay lang sana ang Papa mo,” muli nitong wika sa pagitan ng matinding pag-ubo sabay agos ng mumunting mga luha sa kanyang mga mata. Hirap akong panoorin si Mama pero I don't want to show to her na pinanghihinaan din ako minsan. I can see and feel how she struggled para gumaling. Hindi man siya nagsasalita but I can feel it, her determination para gumaling at siguro gusto niyang kumayod pa para sa aming pamilya. I don't understand why kung kailan malapit na akong magtapos at saka naman parang bumagal ang mga araw para makapagtapos na ako at may diploma na akong mabitbit para maghanap ng trabaho. Minsan nakakainip and I felt exhausted thinking of the projects that I need to submit lalo na kapag naisip kong wala akong enough funds to produce those projects. Ang allowances ko from my scholarship ay nagamit ko pa to buy Mama's medicines. Nahihiya na din akong manghiram sa kamag-anakan namin dahil hindi na ako makapagbayad. Sapat lang sa gamot ni Mama ang kinikita namin at para sa pagkain. Tinitiis ko na nga lang pati mga pagmumura nila. Singkapal na yata ng adobe itong mukha ko sa pamamahiya ng mga kamag-anak ko sa tuwing lalapit ako para manghiram ng pera. Papalubog na ang araw at medyo malamig na ang simoy ng hangin nang dumating ang dalawa kong kapatid. Marungis ang hitsura nila na parehong nakasuot na pinagputol na maong na pantalon. “Ate!” Tawag agad ng pinakabunso pagkapasok sa tarangkahan. Bitbit nito ang isang plastic bag. Siya si Dindo at ang isa na sumunod sa akin ay si Arnel. Arnel is seventeen years old and Dindo is fifteen. “Saan kayo rumaket at mukhang malaki ang delehensiya niyo ah basi sa lapad ng mga ngiti niyo?” Agad kong usisa nang makalapit sila sa kinauupuan ko. “Sa talyer ni Mang Kanor. Marami ang nagpagawa ngayon kaya medyo malaki din ang kita,” tugon ni Dindo. “At dinagdagan pa ni Mang Kanor ng five hundred ang kinita namin,” dagdag naman ni Arnel. “Wow! Galing ng mga kapatid ko. Pero laging tandaan…” “Marangal na trabaho lamang!” Panabay naming wika at nagtawanan. Agad ko din silang tinaboy na maligo para makapaghapunan. Maaga kaming naghahapunan dahil sa walang kuryente. Tanging lampara ang gamit namin sa gabi dahil ilang buwan na kaming naputulan ng kuryente dahil sa hindi nakapagbayad. ***************** Kinabukasan, maaga akong nagising at inihanda ang almusal naming lahat at ang pananghalian ni Mama. Nasa malapit lang din ang paaralan ng dalawa kong kapatid kaya sila na din nagpapakain kay Mama tuwing umuuwi sila sa tanghali. Bumabyahe ako araw-araw to Cebu City para mag-aral which is costly. Hindi naman din kasi ako pwedeng tumira sa boarding house dahil malalayo ako kay Mama at hindi ma-monitor ang kalagayan niya. I spend almost two hours para marating ang syudad ng Cebu sakay ng bus. Exhausting pero kasama ang pagbabyahe sa pinagtatyagaan ko araw-araw. “Oh, bakit parang pasan mo na naman ang mundo, girl?” Agad na salubong sa akin ng kaibigan kong si Lena malapit sa gate ng University. Napag-usapan naming dito mag-enrol sa University of Southern Philippijes Foundation nang magkasabay kaming pumasa sa scholarship. She is my best friend since high school pero dito na siya sa Cebu City madalas dahil sa nakatira siya sa tiyahin niya. Bihira na siyang umuwi sa baryo namin. “Projects, gamot, pagkain, etc.,” nangiti ako kahit namumrublema na sa mga gastusin. “Relax. God will provide,” she said na tinapik pa ang balikat ko. Pumasok kami sa mga subjects namin and as usual, libre niya ulit ang lunch ko kasi pamasahe ko na lang daw ang ipambayad ko sa pagkain ko. Hapon na nang maalala ko si Mang Bernardo when the messenger of the University pass by in front of us. “Teka bes, may tatawagan lang ako saglit,” paalam ko sa kanya. May mumurahin akong celphone, pinaglumaan ni Lena. Nahihiya pa itong ibigay noon sa akin kasi outdated na daw dahil may keypad pa. Touch screen na kasi ang uso pero sabi ko okay lang kesa naman wala. 'Di ba? Kinuha ko ang business card na bigay ni Mang Bernardo sa 'kin at idinayal ang numero ng telepono na nasa card. Hindi nagtagal at agad na may sumagot sa tawag ko. “Office of the President, Morcuendez Group of Companies, hello?” Tila nalunok ko ang dila ko pagkarinig sa boses na 'yon. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Hinuha ko sekretarya siya ng President. “Uhm…” hindi ko alam saan hagilapin ang sasabihin ko. “I'm Allyson…..” “Oh, hi! Are you free to come to the office tomorrow before lunch? Maybe around ten to twelve in the morning?” Napanganga ako dahil hindi pa ako natapos sa pagsasalita at agad akong pinapapunta sa opisina nila. “Opo. I'll be there po. Thank you!” Tanging nasambit ko na lang. Wala na siyang maraming tanong at may meeting daw. Bukas na lamang daw namin pag-uusapan ang magiging trabaho ko. 'Grabe naman 'yon, hindi ko pa nga alam ang magiging work ko parang tanggap na agad ako.” Bubulong-bulong akong bumalik sa tabi ni Lena. “Ano 'yon?” “Ang alin?” “Yung tinawagan mo?” “Trabaho..” mahina kong tugon sabay inom ng juice na hindi mo alam kong juice o tubig na kinulayan lang at winisikan ng konting asukal pero dahil libre ni Lena ayaw kong sayangin kahit sang patak nito. “Eh 'di ba dapat masaya ka?” “Kinakabahan kasi ako eh,” saad ko. Totoo naman kasi na parang bigla akong kinabahan pagkatapos makausap ang babae kanina. Hindi ko alam kung sekretarya 'yon o 'yung nakasulat sa card mismo na may-ari ng kompanya. “Saan ba kasi ang lugar na 'yan?” “Morcuendez Group of Companies.” “Morcuendez Group of Companies?!” bulalas ni Lena. Nanlaki pa ang mga mata nito pero bigla ring napatakip ng bunganga dahil sa halos ay na sa kanya na nakatingin. Sa loob kami ng canteen at naghihintay ng next subject namin. “Are you sure? Tama ba ang pagkakarinig ko?” She asked na hindi pa rin makapaniwala. I nodded at muli na namang nanlaki ang mata nito. Natampal ko siya sa braso na natatawa sa reaksyon niya. “Hindi pa ako sure. Bukas pa malalaman kapag nagpunta ako doon sa opisina nila,” tugon ko. "Huwag mo 'kong kalimutan beshy ha. Isang pambihirang oportunidad 'yan baka makalimutan mo akong bigla," wika nito na nakanguso. "Oo naman! Ikaw pa ba. Halos magkarugtong na nga ang mga bituka natin," tugon ko na natatawa sa hitsura niyang tila pûwét ng manok ang nguso. Medyo mapula pa naman ito dahil sa kanyang lipstick. Nabalot kami ng katahimikan pagkaraan ng ilang minuto hanggang sa tumunog ang bell hudyat para sa susunod naming klase. Muli akong bumiyahe pauwi. Gabi na nang marating ko ang bahay namin. Tulog na si Mama at ang mga kapatid ko naman ay hinintay muna akong dumating bago nagsipaghanda sa pagtulog. ***************** As the woman said on the phone, heto na nga ako sa harap ng magarang building ng Morcuendez Group of Companies. Suot ko pa ang school uniform ko. Lumiban na muna ako sa dalawa kong subjects at nagbakasakaling matanggap ako dito kahit janitress lang. Mas lalo akong namangha at nalula pagkapasok sa malaking building. It's my first time to set my foot in this well-known building na isa na din sa pinakasikat na skycraper dito sa Cebu. The structure is unique and the uniforms of the employees looks stunning. Kahit cleaners ang gara ng uniform. Lumapit ako sa information desk at nagtanong. Hinanap naman nila sa computer kung may appointment ako o wala. Napaismid pa ang babae nang makita ang pangalan ko pero wala akong pakialam. Nasa isip ko ang makahanap ng trabaho at hindi makipagtarayan. “Go to the lift and press button #26, then tell the person whose table is right outside the lift on that floor that you are going to the office of the President,” wika ng babaeng receptionist sabay abot sa akin ng visitor's ID pero bago ko pa man 'yon maabot ay binitawan na niya kaya nalaglag. Dinig ko pa ang pagbungisngis niya kasama ang isa pa. Naikuyom ko ang aking palad pero 'di bale na, hindi sila ang pakay ko. “Salamat po!” Agad din akong umalis at tinumbok ang lift. Ayon sa mga numero sa loob ng lift ang #26 ang pinakamataas na palapag pero meron may access din ito papuntang rooftop o helipad na para lang daw sa authorized person ayon sa nakasulat. Nakaramdam ako ng tension which made me fidgeting my fingers. Parang tambol sa lakas ang kaba ko. Siguro kasi ito ang kauna-unahang pagkakataon na may makakausap akong kilalang tao. Sinunod ko ang instructions ng babae kanina sa baba at agad naman akong inihatid ng isa pang staff sa harap ng isang opisina pagkatapos niyang tawagan ang nasa loob to inform na dumating na ako. “Goodluck, girl!” Wika nito sabay kindat. Kakaiba ito kesa sa mga babae kanina sa baba. She's nice and accommodating. Nanette ang pangalan niya. Marahan akong kumatok ng dalawang beses. Agad namang may sumagot at pinapapasok ako. Hindi ko alam kung saan 'yung boses dahil para lang nasa tapat ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at alanganin man ay nagawa kong pumasok na may nakapintang ngiti sa mga labi. A stunning woman full of authority ang agad na sumalubong sa 'kin. Tila nanigas ang aking katawan sa uri ng pagkatitig niya sa 'kin. Pinasadahan niya ako ng buong-buo, mula ulo hanggang paa pero agad akong nakahinga ng ngumiti ito. “Allyson Mendez!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD