Ria "Ganito na lang," sabat ko na. "Pareho na lang kayong mag-pray. Sino ang gustong mauna?" "Ako po, Mama!" Agad nagtaas ng kamay si Daeria. Sabay kaming napangiti ni Daemon. "Okay ba sa 'yo na mauna si Daeria, tapos susunod ka?" malambing kong tanong kay Lucia. Agad din naman siyang tumango. "Opo." Mas lalo pa akong napangiti. Mukhang magalang din siyang bata. "Okay, mag-pray na tayo. Ang magsasalita lang muna ay si Daeria," ani kong muli na agad din naman nilang tinanguan. "In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen," simulang sabi ni Daeria habang nagsa-sign of the cross. Nakasunod naman kami sa kanya. "Lord, maraming salamat po sa pagkain na nasa harap namin ngayon. Salamat din po dahil nandito na si Daddy ko, si Mama ko, at may bago pa po akong

