Makakaya ba ni Jess Stefano na paibigin si Ken Schrutz o susuko na lang dahil unang-una pa lang talo na siya?
Ano na ang gagawin niya sa una pa lang na niyang tinatahak na landas ay alam niyang delikado na dahil napamahal siya sa lalaking sobrang hirap makamit.
Past is past sabi nga ng ibang tao, pero bakit ang binata hindi pa rin nakalimutan ang nakaraan?
Hindi inaasahan ni Jess Stefano na sa pagpunta niya sa bar kasama ang kaibigan niyang si Avery ay ang pagtatagpo nila ng lalaking magpapatibok ng puso niya na nagngangalang Ken Schrutz, kilala bilang isang certified manwhore. Kahit na binalaan na ang dalagang si Jess na huwag umibig sa taong maraming kinakalantaryong babae dahil masasaktan lang siya sa huli ay hindi pa rin nakinig ang dalaga. Simula't-sapol pa lang ay wala na siyang pag-asa sa taong mahal niya, pero wala siyang pakialam. Patuloy pa rin siya sa panunuyo sa binata kahit sinisigawan, pinapahiya at pinamumukha ni Ken na wala itong gusto sa kaniya. Subalit nagpupursige pa rin siga na masungkit ang matamis na oo nito. Kahit na nagmukha na siyang tanga. Naging martyr siya dahil mahal pa rin niya ang binata. Kahit na sobra na an