Nanginginig ang mga kamay na ibinaba ni Zascha ang anak. "Zasch, we need to really go. Please watch over the kids, okay?" Hindi na niya nasundan ang sinasabi ng kapatid dahil nanatili siyang hindi makagalaw at nakatitig lang kay Zeron. Parang naging hangin lahat sa kanyang paligid at tanging ang mga mata ni Zeron na lamang ang kanyang nakikita. Nakita niyang lumabas ng mansyon ang kanyang kapatid at si Sari. Dahan-dahang naglakad si Zeron palapit sa kanya. Mariin siyang napalunok. "S-Suzy…p-please take the kids upstairs," nanginginig na sambit niya. "O-Okay. Uhm Baby Zach, halika muna." Kinuha nito si Zachi. "Mommy, play ka with me, later huh?" Narinig niyang sabi ng anak. Nginitian niya lang ito nang tipid. Pinagmasdan niya si Suzy at ang mga bata na papunta sa itaas. Nan

