Wind's POV Kasama ko ang mga kaibigan ko na uuwi ng La Union ngayon. Sabi ko maiwan na sila at ako na lang ang uuwi. Hindi pa kasi tapos ang business meeting namin dito. May isang araw pa at ito ang pinaka-finale ng two day business trip na ito. Subalit gusto nila akong suportahan at samahan. Hindi kasi biro ang kalagayan ni Cresia ngayon. Nakakadurog ng puso lalo na at dalawa sila ng baby na nasa bingit ng kamatayan. Kaya kahit masama ang panahon at delikadong gumamit ng sasakyan panghimpapawid, nagpadala pa rin si Ninong Erwin ng susundo sa amin sa pakiusap na rin ni Daddy. Hindi ko naman alam na si Ninong Erwin pala mismo ang piloto nang dumating na private plane dito sa Davao. Wala raw siyang mautusan na iba dahil naka-leave raw ang ilang piloto nila na. Tapos iyong iba naman ay m

