Cresia's POV Hindi lang din naman ako nagtagal sa Lopez Medical Hospital. Pagkatapos na resetahan ako ng doktor ko ng mga vitamins at gamot ay agad na kaming tumulak ng mga bodyguard ko pauwi ng mansion. Hindi ako sinamahan ni Mommy or ni Ate Sunny or even Manang. May biglaan silang lakad na hindi pwedeng ipagpabukas. Naiintindihan ko naman dahil ako na rin ang nagsabi na ayos lang ako. Unahin na muna nila iyon at may next time pa naman. Iyon kasi ay hindi pwedeng i-postpone. Si Ate Sunny ay bumalik na ng Manila kasama si Kuya Cloud para sa early enrollment nila para sa taong ito. Gusto nilang makabalik agad ng mansion dahil gusto nilang sulitin ang bakasyon tapos gusto rin nilang tumulong sa preparation ng kasal ko kahit sa tingin nila ay wala naman na silang maiaambag. Suporta na lan

