PROLOGUE

1079 Words
SHEENA’S POV I drop the last box of my things in the living room then sighed as I look at the whole place I have managed to get with the income I have earned from my recent job. Even If I'm feeling exhausted already, I feel like I can still work and move some things to make me comfortable for my first night here in my new apartment. Matagal din akong naghanap ng malilipatan matapos akong matanggal sa isang taon kong trabaho bilang sekretarya sa isang concierge company na hindi rin gaanong kilala. Na-bankrupt ang kompanyang pinagtatrabahuan ko kung kaya't ang huling sahod na ibinigay sa akin ay iginastos ko sa paglilipat ng bahay at bayad sa unang buwan ko sa pinakamurang apartment na nahanap para sa akin ni Odessa. Mayro'n naman natira kahit papaano sa sahod ko ngunit nangangamba pa rin ako lalo na't may pakiramdam ako na kahit anong araw ay tatawag si Papa para magpadala ako ng pera sa probinsiya. Sana lang ay sumaktong may trabaho na akong pinapasukan kapag tumawag na si Papa para naman palagay ako na may mai-pangbabayad na ako sa upa, tubig at kuryente. “Finally.” Umupo ako sa bagong bili ‘ko na sofa. May balot pa rin ito ng plastic kung kaya’t nakadikit pa rito ang amoy na senyales ng pagka-fresh nito mula sa pagkakagawa. I smile, feeling contented. With everything that I have earned, at least I can make my parents calm by calling me every time they get weird from the fact that I’m alone here in the city while they have no idea what’s happening to me in our province. I understand them because I am their only girl. Alam ko na masyadong malaki na lungsod para sa akin ang lugar kung nasaan ako ngayon ngunit hindi ako puwede maging duwag dahil nandito sa lungsod ang trabaho na makakapagbigay sa akin ng magandang kita. Nag-aalala sa akin sila Mama at Papa pero hindi ako nagpapigil para tumulak papunta dito sa lungsod. Kakayanin ko rin mag-isa lalo na't kahit papaano ay may mga kaibigan naman akong matatakbuhan. Nandito ang dalawa kong kaibigan na ngayon ay parehong may mga asawa at anak na. Kilala sila nila Mama at Papa pero hindi rin masyadong maganda ang tingin nila sa mga kaibigan ko. Parehong nabuntis ng maaga ang mga kaibigan ko na hindi naman maganda ang dating sa Mama at Papa ko. Sa edad na eighteen ay maagang nabuntis noon si Odessa sa boyfriend niyang may tatlong taon ang tanda sa kaniya. May kaya naman ang kinakasama ni Odessa ngunit hindi maganda ang dating no'n kay Papa samantalang si Tasha naman ay single mother noong una hanggang sa makilala nito ang bago nitong boyfriend sa lungsod. Para sa akin ay wala naman problema ang mga kaibigan ko dahil pareho silang may mabubuting kalooban kahit na maaga naging mga Ina. Ang dalawa kong kaibigan ang lagi kong pinupuntahan tuwing namomoblema ako sa pera na pang-padala ko tuwing nangangailangan ng gamot si Papa. Sila rin ang lagi kong iniiyakan tuwing nasasaktan ako sa mga lalakeng sinusubukan kong kilalanin. Odessa and Tasha are both reliable person whatever problem I'm facing. Kaya naman kahit anong pananaway pa ang gawin sa akin ni Mama at Papa ay hindi nagbago ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kilala ko si Odessa at Tasha kung kaya't ano man maging tingin ni Mama at Papa sa kanila ay alam kong mari-realize din nilang mali sila. Agad akong napabangon mula sa pagkakasandal sa sofa nang marinig ko ang ringtone ng cell phone ko. Senyales na may tumatawag sa cell phone ko. "Shit, saan 'ko nailagay iyon?" natataranta kong sabi. Mabilis akong tumayo at tinignan ang bag ko. Tinignan ko ang bawat bulsa ng bag pagkatapos ay sunod-sunod na napamura nang ma-realize na wala ang cell phone ko sa bag. This is why I hate myself sometimes. Nakakalimutan ko lagi ang mga mahahalagang gamit ko gawa nang ang hilig kong maglapag kung saan-saan. Paano na lang kung importanteng tawag iyon mula sa probinsiya? Paano kung inaatake na naman si Papa o kaya ay nadisgrasya na naman si Mama kaka-akyat sa puno ng buko na nasa likod ng bahay namin sa probinsiya? "Shit naman!" Nagpatuloy ako sa paghahanap ng cell phone ko kahit na tumigil ang pag-ring nito hanggang sa umabot na naiihi na ako. "Lalabas na, omaygee!" Dali-dali akong tumakbo sa banyo nang makita kong nakapatong sa isang rack ang cell phone ko. Naiikot ko na lang ang mata ko kapagkuwan ay mabilis na umihi. Napabuntong-hininga na lang ako matapos kong umihi pagkatapos ay agad na hinablot ang cell phone ko palabas ng banyo. "Umihi nga rin pala ako kanina." Nakalimutan kong nailapag ko pala ang cell phone kanina kakamadali na baka masalisihan ako sa mga gamit ko. Nakakatakot at baka manakawan ako ng gamit habang nililipat ang mga gamit ko katulong ang lipat-bahay na binayaran ko. Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ay binuksan ang cell phone ko nang bumungad sa akin ang isang chat ni Odessa at isang missed call mula kay Tasha. Binuksan ko ang chat ni Odessa at napataas ng kilay nang makita ang chat niya sa akin. Odessa Mendez: Gaga! Tawagan mo nga ako! "Ano naman kaya ang chika nito at pinapatawag ako?" tanging naibulong ko bago pumunta sa contacts at tinawagan si Odessa. Ilang beses rin nag-ring bago sinagot ni Odessa ang tawag ko. "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?!" Napangiwi na lang ako pagkatapos marinig ang malakas na boses ni Tasha sa kabilang linya. Kahit kailan talaga ay napakalakas ng boses ni Tasha. Hindi na nakakapagtaka kung bakit sa aming tatlo ay siya ang madalas na inaasar na megaphone at bungangera ng kaniyang kinakasama. "Baka nag-aayos ako ng mga gamit ko, 'di ba? May emergency ba or ano? Pinapatawag mo ako, eh," sabi ko kapagkuwan ay dahan-dahang pinapasok ang mga natitira kong gamit na nasa labas pa ng apartment habang hawak-hawak ang cell phone ko sa kaliwang kamay. "Huwag ka muna masiyado mag-ayos diyan," sabi ni Tasha sa kabilang linya na paniguradong inagaw na naman kay Odessa ang cell phone nito. Napataas ako ng kilay kapagkuwan ay ibinaba sa living room ang mahabang lamp na dala ko. "At bakit naman? Alam niyong kailangan ko mag-ayos dito dahil bukas na bukas rin ay maghahanap ako ng mapapasukan." "Hala siya? Kinalimutan mo talagang kaarawan ko ngayon?" may pagtatampong sabi ni Tasha na ikinatampal ko na lang sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD