bc

Lucas Sebastian III - SPG

book_age18+
538.0K
FOLLOW
2.7M
READ
billionaire
fated
CEO
maid
drama
bxg
assistant
passionate
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG COMPLETED (R18)

Dahil sa utang na loob ay nagawa mong magpanggap na girlfriend ng taong tumulong sa iyo. Pero paano kung ang pagpapanggap ay maging totoo? Paano kung ma-inlove ka rito nang tuluyan kahit na alam mong may na mahal itong iba?

Magagawa mo pa bang ipaglaban ang nararamdaman mo, lalo na't nangako kang hindi ka ma-iinlove sa kan'ya.

Lucas Sebastian III x Judith De Dios

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ladies and Gentlemen, thank you for visiting Amanpulo Island. I hope you enjoyed your visit here!" nakangiting sabi niya sa mga turistang nagbabakasyon sa Palawan. Isa siyang tourist guide ng mga dayuhang nagpupunta roon. Pabalik na sana siya nang tawagin siya ng boss nila. "Judith!" "Oh sir, bakit po?" takang tanong niya. "Ibalik mo na ang ninakaw mong kwintas kay Aubrey!" galit na sabi nito sa kan'ya. "Po? A-ano po bang kwintas 'yan, sir?" naguguluhang sabi niya "Huwag ka nang mag maang-maangang diyan, Judith! Ikaw lang ang kasama ko sa may kwarto!" nanlilisik ang mga matang sabi ni Aubrey sa kan'ya. "Please Sir Chan, wala po akong ninanakaw na kahit na ano man. Sir, maniwala po kayo," nagmamakaawang sabi niya rito. "Sir Chan, kalkalin nalang po natin ang bag niya. Please, siya lang talaga ang hinala kong gustong makinabang sa kwintas ko," umiiyak na sabi pa nito. "Akin na ang bag mo, Judith!" Sabi ng boss nila at mabilis na kinuha ito mula sa kan'ya. Halos itapon na nito ang mga gamit na nakukuha mula sa loob ng bag niya. "Sir, hindi po ako magnanakaw. Baka po nalimutan niya lang sa kung saan 'yong kwintas niya," umiiyak din na sabi niya. "Eh ano ito, Judith?!" At itinaas nito ang kwintas na may pusong pendant. "Sir! 'yan po 'yong kwintas ko!" Sabi ni Audrey at tinignan siya ng masama at bigla itong tumakbo palapit sa kan'ya at malakas siyang sinampal sa isang pisngi. "Magnanakaw!" Humagulgol na siya ng iyak. Hindi niya talaga alam kung paanong napunta sa bag niya ang kwintas na 'yon. Alam niyang may lihim na galit sa kan'ya si Audrey. "Simula ngayon ay h'wag ka nang pumasok, Judith! Tanggal ka na!" Sabi ni Sir Chan at iniwanan siya. "Audrey, please alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabahong ito," "Mabuti nga sa iyo! Masyado ka kasing pa-bida! Paalam, kaibigan!" Sabi pa ng babae at tumatawa habang naglalakad papaalis. Napaupo siya sa buhangin habang umiiyak. Paano na sila ngayon? Siya lang inaasahan ng buong pamilya niya. Nasa ilang minuto na siyang naroroon at umiiyak nang may biglang magsalita "Learn not to trust anybody, because they will kill you at your back," Nang mag-angat siya ng paningin ay bahagya pa siyang nasilaw dahil sa sikat ng araw. Inialok nito ang isang kamay nito sa kan'ya para itayo siya. Nanlaki ang mga mata niya nang ganap na makita ang itsura ng lalaki. Matangkad, maganda ang pangangatawan base na rin sa damit nitong hakab-hakab sa katawan nito. Matangos na ilong, makapal na mga kilay at malalapad na magkabilang mga panga. Parang hinugot ito sa isang foreign magazine. "Salamat." Sabi niya at ipinagpag ang damit na nalagyan ng mga buhangin. Pero hindi umimik ang lalaki at tinalikuran na siya. Wala na siyang magagawa. Kailangan niya nang maghanap ng ibang trabaho. Malungkot na naglakad siya sa silid na tinutuluyan nila ng mga kasamang tourist guide. Nag-impake na siya ng mga gamit. Naglalakad na siya sa daan nang may humintong sasakyan sa may harap niya. Nang ibaba nito ang bintana ng sasakyan ay nagulat siya. Ito 'yong lalaki kanina. "Hop in. Ihahatid na kita sa sakayan, papunta rin ako sa kabilang isla," "Hindi na po, salamat na lang," umiiling siya habang nakangiti ng bahagya. "Nah. That's fine." Bumaba ito ng sasakyan at kinuha ang mga gamit niya at isinakay sa may sasakyan nito. Naisip niyang makakatipid din naman siya ng pamasahe kung sasabay siya rito. Hindi naman siguro siya gagawan nito ng masama. Sa itsura nito at itsura niyang napakasimple ay aarte pa ba siya? Nang makaupo sa tabi nito ay pinaandar na nito ang sasakyan. "What's your name?" tanong nito pero nakatingin sa may daan. "Judith po." "How old are you?" "24 po." "Anong tinapos mo?" Nang hindi siya sumagot ay nilingon siya nito. "I just want to know." Umiling siya. "Hanggang first year college lang po ako, sa hirap ng buhay ay hindi na ako napaaral ng mga magulang ko," mapait na ngiti niya. Hindi na ito muling nagtanong at nagsalita pagkatapos noon. Habang bumibiyahe ay napatingin siya labas ng bintana. Naisip niya ang mga kapatid niya at magulang. Nakikita niya ang mga itsura ng mga ito kapag nakita siya. Masaya ang mga ito lalo na kapag umuuwi siya dahil may mga bitbit siyang mga pasalubong. Pero sa pag-uwi niya ay wala siyang kahit na ano mang dala kung hindi ang masamang balita na wala na siyang trabaho. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. "Use this," sabay abot sa kan'ya ng isang puting panyo. Agad naman niya itong kinuha at nagpasalamat. Ang bango! "Pasensiya na po kayo, hindi ko lang maiwasang malungkot dahil sa hirap ng buhay ay ngayon pa ako nawalan ng trabaho." "Have you been to manila before?" Ngumunot ang noong umiling siya. "Marunong ka naman sigurong maglinis at magluto hindi ba?" Tumango siya. "Work for me then, I'll bring you there. Tri-triplehin ko ang sweldo mo." -------- Hindi na siya nag-isip pa. Handa siyang gawin ang lahat para lang sa pamilya niya. Imbis na umuwi sa kanila ay nandito sila ngayon sa airport pabalik ng maynila. Hindi naman siguro ito masamang tao. Bahala na. First time niyang makasakay ng eroplano at talagang nang una ay natakot siya. Napapikit pa siya nang mariin at napakapit sa upuan nang unti-unting lumilipad ito. Sa labas ng airport ay sinalubong sila ng isang lalaki at may ibinigay na susi ng kotse. Mag aala-sais na ng gabi nang makarating sila sa bahay nito Gusto niyang malula sa ganda at laki ng bahay nito. Mamahalin. May sinasabi sa lipunan. "Magpahinga ka na muna, bukas na tayo mag-usap. Doon ang magiging kwarto mo," at itinuro ang isang kwarto. Agad din siyang nakatulog sa pagod at sa dami ng nangyari. Hindi niya alam na makakadating siya ng Maynila. Lord, kayo na po ang bahala sa akin dito. Amen. Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi naman siya ganoon ka-ignorante at alam naman niyang gamitin ang mga gamit doon kaya nagluto na siya ng agahan. Saktong tapos na siyang magluto nang lumabas ito sa kwarto. Ito? Teka? Ano nga bang pangalan niya? Anak ka ng..talaga naman, Judith oh! Sumama ka na't lahat-lahat pero hindi mo pa rin alam ang pangalan niya?! "What's wrong?" tanong nito sa kan'ya nang makita siguro nitong nakakunot ang noo niya. "Ano kasi.." "Come on, what's bothering you?" nag-aalalang tanong nito. "Hindi ko pa kasi alam ang p-pangalan mo?" sabay ngiti niya ng alanganin. "Oh! I almost forgot!" ngiti nito. "I'm Lucas Sebastian III," sabay lahad ng isang kamay nito sa kan'ya. Medyo nahihiya pa siya nang tanggapin niya ito. Parang ang awkward lang ng dating. "Uhmm. You already cooked?" tanong nito habang nakatingin sa may lamesa. "Oo. Pasensiya ka na kung pinakialaman ko na ang kusina mo." "Nah. That's okay. Let's eat. Then we will talk after." Pagkatapos ay umupo na ito sa harapan ng hapagkainan. Nang magsimula silang kumain ay halos hindi niya manguya ang kinakain niya dahil nahihiya siya rito. Isa pa ay talagang nakaka-intimidate ang kagwapuhan nito. Pagkatapos kumain ay niyaya na siya nito sa may sala. "I know this way is too fast for you. But, I want to help. Gusto mo bang kumita ng malaki?" Mabilis naman siyang tumango. Sino ba ang may ayaw kumita ng malaki? "Mapagkakatiwalaan ka ba?" seryosong tanong pa rin nito. "Yes sir," kaagad naman siyang tumango. "I want this to be our secret. I am the owner of a huge drug laboratory here in the Philippines. Ang kailangan mo lang gawin ay magpuslit ng mga ito sa ibang bansa. Kaya mo ba?" seryoso ang mga mata nito habang nakatutok sa kan'ya. Nanlaki ang mga mata niya at biglang napatayo. "Sorry sir, pero marangal na trabaho po ang hanap ko. Aalis nalang po ako." Tinitigan siya nito at tumawa nang malakas. "HAHAHAHAHAHAHA" Napangunot ang noo niya. "Ano pong nakakatawa?" "I'm just kidding. I just want you to be comfortable with me pero natakot yata kita," nakangiti pa rin na sabi nito sa kan'ya. Hindi siya natawa rito. Ikaw ba naman ang biruin ng ganoon? Nang makita siguro nitong seryoso siya ay tumikhim muna ito bago muling nagsalita. "Sorry. Seriously, I really want to help you out. Since nakatuntong ka naman ng college, work in my company as my new assistant secretary. Madali lang naman iyon, pagkatapos ay tulungan mo ako rito sa mga gawaing bahay. Linis at luto lang, are you okay with that?" Nang hindi siya umimik ay nagsalita ulit ito. "30k a month," "Seryoso na ba 'yan, sir?" baka kasi ay pinag-tritripan na naman siya nito. "Yeah. Sorry, I'm serious at this time," seryosong sabi nito. Sino ba siya para tumanggi? E napakalaki niyon kumpara sa kinikita niya sa Amanpulo. "Tell me, how much do you need?" "Naku, sir! Napakalaki na po niyan para sa akin." "So it's a yes?" Tumango siya. "Here. I have a contract for you to sign in," sabay abot sa kan'ya ng isang folder. Wow, hindi naman siya ganoon kahanda no? At biglang napangiti. 1 year contract pala iyon. Pero may isang bagay na nakasulat ang pumukaw sa kan'ya. "Please, do not fall in-love with me." Agad siyang napatingin dito. "Paano kung bigla akong ma-inlove sa iyo, sir?" out-of-no-where ay biglang na tanong niya. Curious lang siya kung bakit nakalagay iyon sa kontrata. "Then, you will be fired. This contract will be void." Seryoso ba ito? "I think we are all set now. Just stay here today, tommorow will be your first day. I need to go to work." at tumayo na ito. Nang makaalis ito ay nagsimula na siyang maglinis ng bahay. Sanay na sanay na siya sa gawaing bahay kaya wala naman ito sa kan'ya. Mag aala-sais na nang dumating ito. Mabuti na lamang at nakapagluto na siya. "Hi. How's your day? Hindi ka ba naboring dito?" "Hmm. Hindi naman po sir, medyo nanibago lang." Ngumiti muna ito bago magsalita "Masasanay ka rin habang tumatagal. I will just change my clothes then we will just eat dinner outside," "Pero sir, nakapagluto na po ako ng dinner." "Really? This early? Okay then, that's great! Sabay na tayong mag-dinner." Habang kumakain ay napagmasdan niya ito. Iniisip niya kung bakit kaya siya tinutulungan nito? Bakit ito mabait sa kan'ya? "Ang lakas ko bang kumain kaya gan'yan kang makatingin?" nakangiting sabi nito sa kan'ya. "Ahh. Hindi po, sir" nahihiyang sabi niya at bahagyang nakangiti. "Alright. Let's continue eating then," at ngumiti ito sa kan'ya. Naparami tuloy ang kuha niya ng kanin. Dahil ngiti palang nito ay ulam na! Kaagad siyang napangiti dahil sa kapilyahan ng isip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
602.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook