bc

NOTHING WITHOUT YOU |R-18|

book_age18+
5.5K
FOLLOW
52.8K
READ
billionaire
opposites attract
dare to love and hate
CEO
sweet
campus
first love
reckless
intersex
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Ibang-iba si Madeline sa mga babaeng nakilala ni Jeru, iyon din ang dahilan kung bakit nabihag nito ang puso niya. Ang dating bugnuting sarili niya ay naging masayahin at walang ibang gustong gawin kundi ang makasama ang dalaga.

Ngunit hindi iyon gano'n kadali, dahil sa kabila nang paulit-ulit na pagkakasangkot sa gulo ni Madeline ay ni minsan hindi siya nito makita bilang isang lalaking nagmamahal dito.

Ano kaya ang gagawin ni Jeru para malaman ng dalaga na simula nang makilala niya ito ay tila naging walang kuwenta iyon kung hindi nito ibabalik ang pagmamahal niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE     LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Madeline upang hindi maabutan ng dalawang lalaking humahabol sa kanya. Kung bakit naman kasi naisipan niyang dumaan sa makitid na eskinitang ito na hindi man lang inisip ang mga tambay at sigang nakatira sa lugar na'to.   Tiyak na lagot na naman siya sa Papa niya kapag nalaman nitong hindi na naman niya  dala ang kanyang scooter. Pang ilang beses na bang nangyari ang ganitong eksena?   "Bumalik ka ritong babae ka! Akala mo may matatakbuhan ka pang iba? Lagot ka talaga sa akin kapag naabutan kita!" Pasigaw na sabi nang matabang panot na nasa di-kalayuan at pilit na tumatakbo nang mabilis maabutan lang siya.   Hindi niya ito pinansin at mas lalong binilisan pa ang pagtakbo, nagbabakasakaling makahanap ng daan palabas sa lugar na iyon.   ‘Kailangang makahanap ako ng daan palabas dito. Sa itsura ng dalawang unggoy na iyon alam kong hindi nila ako palulusutin at baka kung ano pa ang maisipang gawin sa akin. Iba pa naman mag-isip ang mga adik’, sa loob-loob ni Madeline.   Maya-maya lang ay nagliwanag ang kanyang mukha niya nang may makita siyang makitid na lagusan. Mula sa kinaroroonan niya ay natanaw niya ang kalsada kaya mas lalo niyang binilisan pa ang pagtakbo. Nilingon niya ang dalawang lalaking humahabol sa kanya, halata sa mga mukha ng mga ito ang pagkahapo. Napangisi siya at sa loob-loob niya ay benelatan niya ang mga ito.   Nang ibalik niya ang paningin niya sa kalsada ay halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita. Isang sasakyan ang biglang  sumulpot at huminto sa tapat ng labasan.   ‘Waaaaaahhhh! Katapusan ko na! Papa! Mama! Patawad, mukhang sa hospital ang bagsak ko ngayon! Bakit ba kasi lagi na lang akong minamalas, masama na ba ang tumulong sa magulang?! Ha! Ha! Gahd’! Histerikal na sigaw niya sa isip.   Sa bilis nang pagtakbo ni Madeline  ay huli na para huminto at iwasan ang pagbunggo ng katawan niya sa sasakyan. Kaya naman ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at niyakap ang sarili, patuloy na tumakbo palabas ng iskinitang iyon.    ‘What have I done to make my life so miserable? Lord, sana naman bigyan niyo ako ng importansya.’ Masama ang loob na nasabi ni Madeline sa kanyang sarili.   Naramdaman niya ang pagtama ng katawan niya isang matigas na bagay. Ngunit sa halip na masaktan ay iba ang kanyang naramdaman, she feels that something isn't right. Hindi niya maramdaman yung pananakit ng katawan mula sa pagtama sana niya sa sasakyan.   Isang impit na daing ang narinig ni Madeline at saka niya lang na-realize na hindi sa sasakyan tumama ang kanyang katawan. She opened her eyes and met a pair of hazel eyes.   Napaawang ang labi niya sa tumambad na mukha sa harap niya. ‘Nasa langit na ba ako? Anghel na ba ang kaharap ko? O panaginip lang ang lahat ng ito?’   In front of her were a tall man with a delicate face, a pair of broad shoulders, and a pair of hazel eyes. And with his elegance, it is undeniable that he comes from a wealthy family.   "Jeru, are you okay!?" tanong ng kalalabas lang sa sasakyan na isang lalaki, halatang may edad na ito ngunit matikas pa din kung titingnan. And his tidy looks confirmed what was Madeline thought about the guy in front of her.   Saka lang natauhan si Madeline nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon ng matanda. Tumingin ulit siya sa lalaki at halata sa mukha nito ang iniindang sakit mula sa pagkakatama ng likod nito sa gilid ng sasakyan. Magsasalita na sana si Madeline nang biglang may marahas na kamay na humablot sa kabilang braso niya.   "Walang-hiya kang babae ka! Talagang pinagod mo pa kami, lagot ka ngayon sa amin!" singhal ng matabang panot na habol-habol pa din ang paghinga.   "Bitiwan mo ako, wala akong ginawang masama sa inyo. Kung sana pinadaan niyo ako, eh ‘di sana walang ganitong gulo!" Matapang na utas  ni Madeline na nagpumiglas sa pagkakahawak ng lalaki sa braso niya.   "Teritoryo namin ito at lahat ng kailangang dumaan dito ay nagbibigay ng pang-toma namin, masuwerte ka nga at hindi ka namin hinihingan ng malaking halaga," sabad naman nung isang mukhang butiki na sa sobrang payat ay mapagkakamalan ng kalansay. ‘Gahd, I really hate drugs!’   "Hindi ako bobo at utu-uto para pagbigyan ang gusto niyo! Aba, menor de edad pa ako at puwede ko kayong kasuhan ng child abuse at rape!" Pananakot ni Madeline sa dalawa at pilit na hinahablot ang brasong hawak ng matabang lalaki.   "Tumigil ka! Sasama ka sa amin," sigaw ulit nung matabang panot at pilit siyang kinakaladkad. "Mga boss, pasensya na sa abala medyo wala lang sa huwesyo ang kapatid ko kaya kung anu-ano ang sinasabi."   "Kapatid?! Hoy! Wala akong kapatid na katulad mong bakulaw na panot!" sigaw ni Madeline at pilit inaagaw ang brasong hawak nito.   "Aba't---" "Take your hands off of her," sabi nung lalaking nasa harap nila. Malumanay lang ang pagkakasabi nito ngunit nandoon ang awtoridad.   Nagkatinginan ang dalawang lalaki. "Tol, banatan mo na, englis spokening inang 'to. Magaling ka diyan, ‘di ba?" sabi ng mukhang butiking adik sa katabi niya.   Sinamaan naman ito ng tingin ng matabang panot ngunit sinunod nito ang sinabi ng kaibigan niya. Bumuwelta ito at gamit ang isang kamay ay dinuro niya ang lalaking kaharap nila.   "Hey yo! Git awt in may sayt oke? Em beg en strong yo smol ip yo en me payt yo kray en go hospital yor badi pol blad so leb mi alon maderpakir!"   Gustong bumunghalit ng tawa ni Madeline sa narinig na sinabi ng matabang panot ngunit pinigilan niya ang sarili. Baka mas lalong mapahamak lang siya pati na rin ang dalawang nasa harap niya. Kinagat niya ng mariin ang kanyang labi at itinago ang mukha.   At nagawa niya pa talagang mandamay sa kamalasan niya.   "Mga hijo, baka naman puwedeng umalis na lang kayo at hayaan ang babae. Mas makakabuti pa sa inyo iyon, payo ko lang naman iyon sa inyo." Nakangiting sabad naman ng matandang lalaki.   "Wag kang makialam dito Tanda! Ich may beznis yo shatap!" Panduduro din ng matabang panot dito . Napangiwi si Madeline nang maramdaman ang paghigpit pang lalo ng pagkakahawak nito sa braso niya. Nag-aalala siya na baka maging pasa na iyo. Next week na ang pasukan at ayaw naman niyang pumasok sa school na may pasa sa katawan.    Inilabas ng guwapong binata ang kanyang telepono at may idinayal na numero. "Hello 911? Police station, may irereport lang akong gulo. May dalawang lalaki ditong nanghaharass ng menor de edad na babae. I need you to come here now and take them, ang attorney ko na ang bahalang makipag-usap pa sa inyo."   Literal na napanganga si Madeline sa ginawa ng guwapong lalaki. Ganoon ba ito kayaman at may Attorney pang nalalaman?   Nagkatinginan ang dalawang lalaki at kapwa namutla. Napalunok ang lalaking mukhang butiking adik at saka nagsalita, "Tol, tumawag na ng parak. Batsi na tayo, wala tayong laban diyan hayaan na natin yang babaeng iyan."   Walang nagawa ang lalaki kundi ang malutong na mapamura sa sobrang galit at bitiwan ang braso ng babae niya saka kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng makitid na iskinita.   Nakahinga ng maluwag si Madeline ng hindi niya na matanaw ang dalawang siga. Sinulyapan niya ang braso niya at napangiwi ng makitang namumula ang bahaging hinawakan nung matabang panot na lalaki. Lagot ako kay Papa nito pag nakita 'to.   "Okay ka lang ba, hija? Bakit mo naman naisipan kasing dumaan sa lugar na iyan? Babae ka pa naman kaya siguradong pagtitripan ka ng mga adik diyan. Masuwerte ka at nakalabas kang walang kahit na anong galos sa katawan," mahabang litanya nito sa kanya.   "Okay naman po ako, thank you po ng marami sa ginawa niyong pagtulong. Pasensya na rin sa abala." Nakangiti niyang saad sa matanda.   Humarap siya sa guwapong lalaki at nginitian saka tinanguan. Pagkatpos ay nagpaalam na siya para umalis.   "Mag-iingat ka hija, lumayo ka sa mga lugar na alam mong mapapahamak ka. Babae ka pa naman at maraming namamantala ngayon."    "Thank you po ulit, bye!" utas niya at saka lihim na sinulyapan ang guwapong binata na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa kanya.   Tapik sa braso ang nagpabalik sa huwisyo ni Jeru. ‘Seriously, what was that?!’ Naguguluhan niyang tanong sa sarili.   “Let's go, Jeru, the Madam, and your Dad are waiting for you at the mansion. They say they are just waiting for you to talk about the newly built buildings in Europe. You also need to study the new projects sent via email by Mrs. Ong.”   He is Jeru Levesque, the next heir of the Levesque Empire.   Levesque Empire is recognized as one of the leading Commercial Real State developers in the Phoenix Metropolitan market. In three decades, they have built more than a hundred properties in different parts of the world worth hundreds of billions of dollars.   "Mr. Bauer, follow her."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
429.4K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.1K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook