Chapter 19 3rd Person's POV Napatakip ng bibig si Cosmo habang naglalakad papasok ng gubat. Sinabi nito na dapat nagbigay siya ng respeto. Nahihiya siya at iba pa. Hindi napansin ni Cosmo na unti-unti nagiging abo ang mga taong nakakalat sa lupa kanina. Nagtakbuhan palayo ang mga hayop. "Anyway, hindi ka na ba galit sa akin?" Lumingon si Cosmo. Tinago ng lalaki ang mga kamay sa likod at nilampasan si Cosmo. "It's been a two days. Wala ng sense kung magagalit pa ako sa iyo," sagot ni Havoc. "Okay, nangangako na ako. Kapag sinabi mong hindi ako pwede sumunod hindi na ako susunod," ani ng lalaki. Bahagyang lumingon si Havoc at tinanong kung anong gagawin niya kapag hindi sumunod si Cosmo. "Walang fairy bean in a month!" ani ni Cosmo at tinaas ang isang daliri. Ang fairy bean ay i

