LIZAH AGUILAR. RAMDAM ko ang pangangatog ng mga kamay ko. Nanumbalik kasi agad ang mga pinagsasabi n’ya kagabi na nagpapainit ng dugo ko. Pinapakalma ko lang ang sarili ko na ‘wag s’yang rebatan dahil nga ang daming naka-masid pero may kapal pa talaga s’ya ng mukha para sundan ako rito. Lahat ng mga lumabas sa makapal n’yang bibig kagabi, hindi ko nagustuhan. Talagang nakakainit ng ulo. Pigil na pigil ako na hindi s’ya buweltahan pero dahil nandito naman s’ya, pagkakataon ko na para ilabas ang galit ko. Bago pa maka-tayo si Ryujin, dumating naman si Dessa na galing sa ration house, dala ang mga gulay at prutas. Inutusan ko s’yang ipasok ang mga bata sa loob ng kuwarto na kapag wala pa akong sinasabi, huwag silang lalabas. “Ryujin, sundan mo ako. May paguusapan tayo.” Nang masilayan

