LIZAH AGUILAR BAGO pa ako makapagreklamo, unti-unti n’yang itinayo ang kan’yang sarili. Ngayon ko pa lang nasilayan ang ganitong nililikhang expres’yon sa mukha ni Ryujin na tila sinakluban s’ya ng matindi, pa sa matindi na kalungkutan. Hindi ako nalulungkot sa kan’ya, naaburido ako. Bago pa s’ya maka-gawa ng hindi magandang hakbang, hinarangan ko na dahil wala akong dahilan para balikan s’ya. Kung iisipin ng ibang tao na babalikan ko s'ya para lang sa mga anak ko, puwes, ayos lang sana kung walang pamilya si Ryujin pero mayroon na. Committed s'ya. Kahit hindi sila kasal, limang taon sila nag-sama. Hindi ako mapipilit. Ako ang magpapaliwanag sa anak ko kapag dumating na ang puntong nakakaintindi na sila. Hindi ko itatago ang pagkakakilanlan ni Ryūjin. Mas’yado pang maaga sa ngayon.

