LIZAH AGUILAR NASILAYAN ko kung gaano kaputla si Ryujin na parang walang dumadaloy na dugo sa mukha n'ya. “Tapos na ang kaarawn mo, remember? You have forgotten that you have already celebrated your birthday several months ago?” Iyan pa ang kwestyonableng tanong ni Sir Dracul. Napa-higpit kaagad ang pagkakakapit ko sa magkabilang handle ng paper bag at ang sarap ihambalos sa pagmumukha ni Ryujin. Inulan s’ya ng mga katatungan ni Sir Dracul na wala s’yang naisagot ni isa. “Yeah, h-he just forgotten his birthday.” Si Sir Ryū na lang ang nag-bigay ng tugon sa tatay nila. Inaya s’yang umupo na lang at i-enjoy ang pagkain pero ako, wala akong pinakitang kahit anong negatibong reaks’yon kahit panay titig sa ‘kin sina Sir Ryū at maging si Ryujin. “Makakalimutin ka na, Ryujin!” Tinukso na la

