bc

The Rules of Heart (Tagalog)

book_age0+
10.5K
FOLLOW
46.7K
READ
stalker
love-triangle
opposites attract
drama
bxb
gxg
bisexual
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Si Avril Wesley ay isang babaeng maganda, ubod ng yaman, hinahabol ng mga kalalakihan at simula pa sa pagkabata ay nakukuha na ang lahat ng naisin. Iyon din ang dahilan kung bakit lumaki siyang spoiled, mapaglaro sa pag-ibig at ubod ng maldita. Dumating ang panahon na siya naman ang pinaglaruan ng pag-ibig dahil na-in love lang naman siya sa isang babae ring katulad niya na pinaglihi yata sa sama ng loob dahil sa sobrang sungit nito sa kanya. Si Sydney.

Pakiramdam ni Avril ay finally, mayroon na ring nakatapat sa ugali niya na kaya siyang salagin sa lahat ng kamalditahan niya. Pero mamahalin ba siya ni Sydney kung siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay dito ang ex-boyfriend nitong si Caleb?

Paano kung malaman niya na si Sydney din pala ang nakatakda niyang maging step-sister sa nalalapit na kasal ng mommy niya sa driver nila na matagal na niyang kinaiinisan?

Mainis pa kaya siya kay Mang Rico kung malaman niya na ito pala ang tatay ng babaeng pinakamamahal niya? At mahalin din kaya siya ng kanyang ‘Ate Sydney’ kung magiging magkapatid na sila? Paano niyang mababali ang mga ‘rules’ nito sa puso nito kung parehas lang silang babae? Posible bang ma-inlove ang isang ‘straight’ na babae sa katulad niyang mukha ring straight?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Love-at-first-sight
"AVRIL, sabihin mo nga sa akin. Saan mo ba talagang gustong magpunta? Kanina mo pang sinasabing gusto mo kumain pero hanggang ngayon wala ka pa ring napipiling restaurant sa dinami-rami ng napasukan natin." Parang pagod na pagod nang reklamo sa kanya ang masugid niyang manliligaw na si Declan. Oo masugid. Dahil magkababata sila nito at simula pa ng noong una silang magkakilala ay palagi na itong buntot sa kanya. Lahat na yata halos ng bagay ginawa na nito para sa kanya pero hindi pa rin niya ito sinasagot. At mas lalong hindi naman ito nagsasawa. Patience is a virtue yata ang motto nito dahil kahit ilang beses niya nang pinagngangalandakan na hindi pwede maging sila ay nasa tabi pa rin niya ito hanggang ngayon. He is not just her suitor, but her one and only bestfriend as well. Kaya naman kahit alam niyang pinagnanasaan siya nito ay hindi pa rin niya ito tinatanggal sa buhay niya. "Bakit ba puro ka reklamo? Pasalamat ka nga pumayag pa akong makipagdate sa 'yo. Baka gusto mo maghanap na lang ako ng ibang lalaking sasamahan akong magshopping. Kaysa naman sa reklamador na tulad mo!" nakataas ang kilay na pagsusungit niya. "Date ang tawag mo rito? Eh ginawa mo lang akong alalay mo e! Andami-dami mo nang pinamili, Avril! Kulang pa ba 'to sa 'yo? Bumalik na tayo sa kotse! Maawa ka naman sa akin! Pagod na pagod na ako," sagot naman nito na hindi pinansin ang katarayan niya. Immune na kasi ito. Sa tagal ng panahon na magkasama sila eh kaya na nitong pagtiisan ng ugali niya. At tama nga naman ito dahil kanina pa silang naglalakad at buhat-buhat nito ang gatambak na shopping bags na pinamili niya. She's rich kaya kahit ang buong mall kaya niyang bilhin sa isang iglap lang. Ewan ba niya. Kahit sa sarili niya hindi niya rin alam kung ano nga ba ang hinahanap niya. Nabili niya na lahat but she's still bored. Si Declan? Gwapo naman ito at maraming babaeng inggit dahil patay na patay ito sa kanya pero ewan ba niya kung bakit wala itong dating sa kanya. Siguro dahil nga mag bestfriend sila. Marami na siyang naging boyfriend. Pero walang nakatagal sa ugali niya dahil may pagkamaldita raw siya. Makasarili, spoiled at mabilis magsawa. Kasalanan ba nya iyon kung lahat ng bagay ay mayroon na siya kaya mataas ang tingin niya sa sarili niya? She's cute, rich and famous. Lahat ng tao gusto siyang makasama. Pero para sa kanya boring ang mga ito. Napapasunod niya naman ang lahat e. Kahit ang mga lalaki kahit ano gagawin para lang makuha siya. Tulad nito ni Declan. Parang bulldog. She wants to feel spark. Gusto niyang maramdaman na sa unang kita pa lang niya sa isang tao ay mararamdaman niya nang in love siya rito. But too bad, masyado na siyang sanay makakita ng mga gwapo. Dahil mayaman siya ay choosy siya pagdating sa mga kaibigan. Lalong-lalo na pagdating sa boyfriend. Nang bigla na lamang ay nadako ang paningin niya sa isang coffee shop mula sa hindi kalayuan. Nasagap ng mata niya ang isang napakagandang babae na parang Diyosa sa paningin niya. Mahaba ang straight na straight na buhok nito. Mapilantik ang mga pilik mata at nangungusap ang pares na mata nito nang mapatingin din ito sa kanya. Napapitlag siya nang bigla na lamang ay ngumiti ito sa kanya. Doon parang biglang may kumabog sa dibdib niya. Ano iyon? Saka ito yumuko bilang pagbati sa kanila ni Declan pagkatapos ay nilinis na ang naiwang baso na naiwan ng customer sa table. Kung gano'n, waitress ang babae sa coffee shop na ito. Hmm... "Declan, gusto ko roon tayo kumain sa shop na iyon," pagyaya niya sa kasama na nakasunod pa rin ang tingin sa babaeng pumasok doon sa loob. "Are you sure? Akala ko gutom ka? Cake at Coffee lang ang offer ng shop na 'yan. Akala ko rice ang gusto mo kapag gutom ka," pagtataka nito. "Ihh! Basta gusto ko roon! Kung ayaw mong sumama eh 'di ako na lang! Ang arte-arte mo!" pagsusungit niya saka na nagpatiuna rito papasok sa loob. Agad silang pumasok ni Declan sa loob ng shop. Nakaupo na sila pero panay ang sunod niya ng tingin sa magandang babae na ngumiti sa kanya sa labas. Kasalukuyan itong nakikipag-usap sa kasamahan nito sa trabaho. Ang ganda-ganda nitong ngumiti. Para talaga itong manika. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Natotomboy na ba siya? "Hoy, Avril! Ano ba? Mag-oorder ka pa ba?!" Pagsigaw na sa kanya ni Declan na naiinis na dahil kanina pa palang kinukuha ng isa pang waitress doon ang order nila. "Huwag mo akong sigawan na tukmol ka! Ganyan ka bang makipag-usap sa nililigawan mo? Gusto mo bastedin kita ora mismo?" asik nya rito. Lapastanganin ba naman siya eh. Pero nginisian lang siya ng loko. Hindi talaga marunong matakot sa kanya! Naku, nakakainis! "Matagal mo na akong binasted, Avril. But it's okey, alam ko naman na sa bandang huli ay tayo pa rin," nakakalokong diga nito. Charismaric ang ngisi. Kung ibang babae siguro ang sinabihan nito ng gano'n ay baka nalaglagan na ng panty. Pero iba siya. “Parang lumakas naman yata ang hangin dito? May paparating bang bagyo?" pamimilosopo niya saka binalingan ang panget na waitress. "Hoy panget. Ayaw ko na ikaw ang mag-take ng order ko kasi mawawalan ako ng ganang kumain. Gusto ko iyong girl na 'yun kasi siya lang ang magandang tingnan sa restaurant na ito. Tawagin mo siya! Madali ka!" pag-aapura niya rito. Parang naiiyak naman na lumayo ito roon. Ganoon talaga siyang magsalita. May pagka-harsh at direct to the point. Kaya maraming takot sa kanya dahil sa kamalditahan niya. But she doesn't care. Sinasabi niya lang ang nakikita ng mga mata niya. "Ang sama mo talaga, Avril. Tinakot mo iyong babae," komento ni Declan. "So? Pinagtatanggol mo siya? E 'di ligawan mo! Mas bagay kayo. Isang bulldog at isang Chihuahua. Parehas kayong mukhang aso," nakangising pang-aasar din niya rito. "Ouch! Ang sakit naman! Sa gwapo kong ito tinatawag mo akong bulldog? Ganito lang naman ako dahil mahal kita. Kaya ako buntot ng buntot sa 'yo kasi alam ko na mapapaaway ka palagi dahil diyan sa ugali mo. Sinong magtatanggol sa 'yo kapag nawala pa ako sa 'yo? Kaya magpasalamat ka dahil maswerte ka at ako ang naging prince charming mo," nakatawa lang na sabi nito na hindi man lang naapektuhan kahit ni katiting sa sinabi niya. "Prince charming daw. Asa ka pa. Hindi ako pumapatol sa aso!" tinawanan lang niya ito. Marami ngang taong naiinis sa kanya dahil hindi siya kilala ng mga ito. Pero si Declan? Ito ang taong handang tumanggap sa kahit ano pa mang ugali ang meron siya. She loves him. But only as a friend or a big brother. She can't imagine her life without him... Kaya may pagnanasa man ito sa kanya o wala ay hindi niya hahayaan na mawala ito... ---------------------------------------------------------------------------------------------------- PAPASOK na sana si Sydney sa dressing room ng shop para hubarin ang uniform dahil pa-out na talaga siya nang biglang lumapit na umiiyak sa kanila ang ka-trabaho nilang si Patricia. "Oh, anong problema? Bakit umiiyak ka, Patricia?" nagtatakang tanong ng manager nilang si Mrs. Cheenee. "Eh kasi po sinabihan akong panget no'ng babae ro'n sa table number 7 eh. Baka raw mawalan sya ng gana kapag ako ang nag-take ng order nila," umiiyak na pagsusumbong ni Patricia. Lahat naman sila ay napatingin sa table number 7. Sa tingin nila ay mag-boyfriend ang nagtatawanang nag-uusap doon. Unang tingin pa lang parang mayayaman na. "Teka nga, Patricia eh hindi ba si Avril Wesley iyon? Iyong number 1 model ng penshoppe?" gulat na tanong ni Jean, ka-trabaho din nila. "Oo nga 'no? At iyong lalaki ay si Declan Guineverre. Iyong sikat na basketball player! Anong ginagawa ng mga 'yan dito?" pagsingit naman ni Joyce na takang-taka kung paano nga bang napadpad sa simpleng shop nila ang mga sikat na tao katulad ng mga ito. Siya naman ay hindi na lang nag-react. Hindi sapat na sikat at mayayaman ang mga ito para manlait ng kapwa nila. Nginitian pa naman niya iyong babaeng maliit kanina pero masama naman pala ang ugali nito. "Hindi ko alam! Basta ang sabi lang nila ay si Sydney daw ang gusto nilang mag-serve sa kanila. "Pero pa-out na ako. Monthsary namin ni Caleb ngayon. Hindi ako pwedeng mag-ot," pagpapa-intindi niya sa mga ito. Tiningnan lang siya ng masama ng manager nilang si Mrs. Cheenee. "Sydney, alam mong sikat na mga tao ang nasa table number 7 kaya hindi natin sila pwedeng tanggihan. Ikaw ang ni-request nila kaya dapat nga ay matuwa ka pa. Isa pa, hindi lahat ng oras ay magagawing sikat sa shop ko. Instant promotion na rin ito! Kita mo nga, andaming pumapasok na tao nang mapansin na narito sila." Sumilip sila sa labas. Nakita nga nila na medyo kumapal ang tao. "Doblehin ko na lang ang sweldo mo ngayong araw basta mag-OT ka. Hindi rin naman siguro sila magtatagal," pakiusap ni Mrs. Cheenee. "Pero—" "Hindi ka pwedeng tumanggi. Dahil kung hindi ay tatanggalin kita," pananakot pa nito. Wala na tuloy siyang magawa kundi ang sumunod na lang. Mag-te-text na lang muna siya sa boyfriend na si Caleb. Nang bigla na lang nagshut down ang phone niya dahil lowbatt. Bago pa naman ang number ni Caleb kaya hindi pa niya nasasaulo. Kung minamalas ka nga naman. Hindi na tuloy niya na-i-textt ang lalaki. Napilitan na lang tuloy siyang dumiretso na sa table number 7. Wala pa man ay naiinis na siya sa mga taong naroon. Hindi dahilan ang kasikatan para lait-laitin nila si Betty. Mayayaman nga naman... ---------------------------------------------------------------------------------------------------- "ANG TAGAL naman tawagin no'ng panget na waitress na iyon 'yung girl do'n sa counter! Declan, puntahan mo na nga! Nakakairita na ah!" pag-uutos sa kanya ng malditang si Avril. Hindi niya alam kung bakit parang nagkakanda-haba ang leeg nito kakasilip sa babaeng pumasok sa loob ng staff area. Susunod na lang sana siya dahil alam naman niyang wala rin siyang magagawa kapag ginusto nito pero dumating na iyong girl sa counter na gusto ni Avril na mag-serve sa kanila. "Ma'am, Sir. Ano pong gusto ninyong i-order?" nakangiting tanong ng babae. Inaasahan naman niya na si Avril na ang magsasalita para sa order nila dahil ito naman palagi ang nasusunod sa kanilang dalawa pero laking gulat niya na para ba itong nawalan ng dila! Parang maamong tupa at pulang pula ang mukha ng malditang si Avril! Totoo ba ito? Hindi naman maintindihan ni Avril ang sarili kung bakit bigla na lang kumalabog ng malakas na malakas ang puso niya nang narinig na nagtanong na sa kanila iyong waitress na nasa gilid na niya ngayon. Para siyang pinagpapawisan ng malapot at nanginginig pa ang mga kamay niya. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Parang hindi siya ito... "Hoy, Avril! Ano ba?! O-order ka ba o hindi!?" untag sa kanya ni Declan. "Ma'am, ano pong order nila?" nakangiting baling sa kanya no'ng babae. Namula lang lalo ang pisngi niya at uminit ang tenga niya nang masilayan ang ngiti nito. Parang sasabog ang puso niya! Mas maganda ito sa malapitan. Inabot nito sa kanya ang menu at kinuha naman niya iyon at agad na binuklat pero parang hindi na dumadaan sa isip niya iyong mga nakasulat doon dahil lutang ang isip niya dahil nasa malapit langbang babae. "A-ah, E-ehh... Mo..." parang kinakain ang salita na anas ni Avril. Nagugulat na talaga si Declan sa kakaibang kilos ni Avril. "M-mocha. Mocha cake na lang saka cold coffee, Ms—" "Sydney po Ma'am. My name is Sydney," magalang na sagot ni Sydney. Sydney. Ang ganda rin ng pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya. Kasing ganda niya... sabi ni Avril sa sarili. "U-umm, kayo po, sir? Ano po ang order nila?" nakangiti ring tanong ni Sydney kay Declan. Napasimangot siya. Nakatingin sa ibang lalaki ang crush niya! Wait. Did she really say na crush niya ito? Ampupu! Babae rin ito! "Shake na lang. Busog pa ako miss eh," simpatikong ngiti rin ni Declan dito at kinindatan pa nito si Sydney. Tiningnan niya ng masama ang lalaki. Parang nakaramdam naman ito ng takot hanggang sa makaalis na si Sydney. "Ikaw naman, nagseselos ka agad. Nagkakagusto ka na yata ka na sa akin eh," pang-aasar ni Declan. "Asa ka pa! Mandiri ka nga riyan sa sinasabi mo! Hindi tayo talo! Yak!" harapang pagkadisgusto niya na kinatawa lang nito. Bumalik na naman ang katarayan niya. Pero bakit sa harap ni Sydney kanina ang bait-bait niya? Wahhh!!! Crush na talaga niya yata ito! ---------------------------------------------------------------------------------------------------- HABANG inaasikaso ni Joyce ang order ng nasa table number 7 ay pinilit naman ni Sydney na buksan ang cellphone at pinlug niya ang charger. Nag-aalala siya dahil halos thirty minutes din agad ang lumipas bago makapag-decide iyong babae sa order nito. Ang tagal-tagal pumili kaya lalo lang tuloy nadagdagan ang inis niya rito. Ngumingiti lang siya dahil customers ang mga ito pero sa totoo lang ay gusto niya nang tumakbo palabas ng shop kanina pa dahil nag-aalala siya para kay Caleb. Mabilis kasi itong mainip. Agad niyang binuksan ang inbox at puro text galing kay Caleb ang laman. May sasabihin daw itong mahalaga kaya nasaan na raw siya. Pero nanlaki ang mga mata niya sa huling text nito. CALEB: Let's break up Sydney. I want to tell this to you for a very long time at ngayon na sana ang araw na iyon pero wala ka rito. Na-realize ko na hindi pala kita kayang harapin kaya umalis na ako sa meeting place natin. I'm already in love with someone else. I'm sorry... Halos mabitawan niya ang cellphone sa nabasa niya. Nakikipag-break sa kanya si Caleb? Totoo ba ito? Nang bigla na siyang tawagin ni Jean para ibigay ang order na ihahatid niya sa table number 7. Kinuha niya iyon nang wala sa sarili hanggang sa hindi na niya namalayan na malapit na pala siya sa table number 7. Para siyang maiiyak habang naglalakad. Pakiramdam niya ay matutumba siya dahil sa sakit na nararamdaman ng puso niya ngayon... Paanong nagawa ni Caleb na makipaghiwalay sa araw mismo ng monthsarry nila? At sa text pa ito nakipaghiwalay! Masyado ba itong excited na hiwalayan siya at hindi man lang naghintay kahit na saglit para sabihin iyon sa kanya ng personal? Sa sobrang panghihina at panlulumo sa sariwa pang break up ay biglang dumulas sa kamay niya ang tray na order ng table number 7 at tumapon iyon sa dress no'ng babaeng model!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook