Gusto ko na lang maiyak. Kakagising ko lang pero hindi ko magawang maigalaw nang maayos ang ibabang parte ng katawan ko, lalong-lalo na ang mga hita ko. Kahit simpleng paggalaw lang ay napapangiwi na ako. Alas-nuebe na nang umaga pero heto pa rin ako sa kama at nakahilata dahil ‘yon lang ang kaya kong gawin. Hinihintay ko na kahit papaano ay mawala ang sakit at ngalay na nararamdaman ko sa aking kalamnan. Gustong-gusto ko nang lumabas ng kwarto dahil kanina pa ako gutom na gutom. Ayaw ko rin namang magpadala ng pagkain dito sa kwarto dahil panigurado akong iba ang iisipin ng mga tao sa mansyon lalong-lalo na si Lolo Henry. Ayokong isipin niya na may nangyayari sa amin ng apo niya. Baka kasi maisip niya na ginagamit ko ang misyong inatas niya sa akin para sa sarili kong benepisyo; na pinip

