ANGHELINA ALA UNA pa ang tinakdang oras. Eleven twelve pa lang ng umaga. I was breastfeeding my twins. Bago kami aalis dapat, maka-dede muna sila. Kinakabahan ako sa gagawin namin pero dapat akong mag-tiwala kina Kruger at Brown. I want Gadreel dead. Gusto ko na s'yang mamatay. Na'ng dahil sa kan'ya, araw-araw na lang may patay. S'ya din ang pangunahing rason kung bakit nag-bago na ang mga soldiers at associates. Sinira n'ya ang kalakaran ni Kruger. "Tulog na si Baby Darius," mahinang bulong ko. Lumakad agad palapit sa 'kin si Crista. Naka-sandal kasi ako sa head board habang sabay na binibreastfeed ang kambal. Naka-higa paharap sa nursing circular pillow sa left and side banda ng arms ko. "Si Anghelisha?" Tumigil si Crista sa kaliwang gilid ng kama. "She's still sucking my milk," t

