MAKALIPAS ang tatlong linggo, almost done na ang wedding preparation na gaganapin bukas. Abala kaming lahat. Bayanihan. Nagtulong-tulungan ang mga soldier at associates para ayusin ang venue at reception. Sila-sila na ang nag-decorate ng mga bulaklak lalong-lalo na sa stadium dome sa gate 5. Doon lang sila mas natagalan. Naka-handa naman na ang mga sandamakmak na ingredients para sa wedding dishes bukas. “Good work, everyone! Kumain muna kayo!” Sinenyasan ko na ang mga maid na pumasok sa loob ng stadium dome. Kasing laki rin ng dome prison na nasunog. Kakas’ya rito ang libo-libong tao. Nalulula nga ako sa laki. Nag-sipasukan na ang mga inutusan kong maids. Dala-dala nila ang mga basket na naglalaman ng mga sandwich. Pumila na ang mga tauhan ni Kruger sa malawak na isle para kumuha ng

