ANGHELINA PAGKATAPOS ng wedding ceremony, deretso kaming lahat sa wedding reception para kumain at uminom. Nagtipon-tipon ang mga bisita, soldiers at associates sa isang malaking dome. May mga rectangle shaped na mesa sa ground floor. Doon sila naka-upo habang in-e-enjoy ang mga wedding dishes pati na ang mga mahahaling alak kagaya na lang ng wine, whiskey, at champagne. Nag-bihis muna ako kanina ng simple pink plain dress para komportable ang upo ko. “Cheers!” Inangat amin ang aming mga kamay habang hawak-hawak ang wine glass. Pinadikit namin ang mga iyon at nag-likha ng tumatagingting na tunog. Nasa mahabang mesa kaming lahat kasama sina Don Dario, kapatid ko, ang mga kaibigan kong soldiers, Caty, Heaveny at kung sino-sino pang mga bisita na kilala ni Don Dario. Nasa tabi ko nama

