ANGHELINA WALA akong kaideya-ideya na mag-p-propose sa ‘kin si Kruger sa kalagitnaan ng pag paslang kay Gadreel. Wala akong ibang sinagot kundi oo lang. Hindi naman puwedeng tanggihan. I think Gadreel is already dead nu’ng naka-bitay ang kan’yang mga kamay sa bakal na railings. Hindi na kami nag-tagal ni Kruger doon dahil ayaw kong amuyin ang nasusunog na katawan ni Gadreel. “Finally, I am at peace…” Naka-higa na kami ngayon ni Kruger sa kama. Pinagsasaluhan na namin ang malambot na kutson. Naka-side view ang aking katawan habang naka-subsob ang mukha n’ya sa mga dibdib ko. Naka-pantay ang ulo n’ya roon at ako ang yumakap sa kan’ya. Halos apat na buwan namin ‘tong hindi naranasan. “Such a warm and leisurely feel…” Iniling-iling n’ya pa ang kan’yang mukha. Parang sinisisid n’ya ang d

