Sarah's Point of View "Mom, where are we?" bungad na tanong sa akin ni Margarett pagkagising na pagkagising niya. Ginising ko kasi siya para maghapunan. Inilibot niya ang mata niya sa buong kwarto bago muling tumingin sa akin nang may nakakunot na noo. "Whose house is this?" "We are at a friend's house, sweety. And we will be staying here for good," sagot ko sa kanya bago siya kinarga. "This will be our home now." "But what about daddy?" Saglit akong natahimik bago hilaw na ngumiti. "Something happened that made daddy leave us," sagot ko. Ayoko sanang sabihin sa kanya, pero mas mabuting alam na niya agad na hindi na niya makikita si Soul. I know she has grown attached to him, but she should learn to severe her ties with him because Soul has nothing to do with her. "But why? I thought

