bc

The CEO: Xavier Montenegro (Love Affair Series)

book_age16+
10.1K
FOLLOW
63.1K
READ
family
arrogant
drama
tragedy
twisted
bxb
mxb
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Hindi lubos akalain ni Caine na sa mura niyang isipan ay masasaksihan niya ang isang malagim na krimen na nagpabago sa buong buhay niya.

Mula sa isang hilaw na kapatid, pagkalipas ng sampung taon ay magiging bodyguard siya ng aroganteng CEO na si Xavier Montenegro.

Sanay siyang kontrolin ang emosyon dahil na rin sa pagiging sundalo niya ngunit bakit tila pagdating sa lalaking ito ay nanghihina siya?

Naging parte siya ng buhay nito noon? Gusto nitong maging parte ulit siya ngayon, ngunit hindi na bilang hilaw na kapatid kung 'di bilang kasintahan ng minamahal!

Tatanggapin kaya ito ni Caine o tatanggihan?

Mareresist kaya niya ang charms nito lalo pa't may nangyari ulit sa kanila nang hindi nila inaasahan. Naulit ang pinakakatagong sekreto nila sampung taon na ang nakakalipas!

At ano kaya ang sekretong ito?

chap-preview
Free preview
Prologue
Natutop ko ang aking bibig upang hindi gumawa ng ingay dahil sa sunod na ginawa ng lalaki. Ipinutok nito ang hawak na baril sa kawawang babae na nakaluhod sa harap niya. Tinamaan ito sa ulo sanhi nang pagkamatay nito. Lumandas ang mga luha sa pisngi ko. Sobrang naawa ako para sa babae na sa tingin ko ay nasa cuarenta anyos pataas. Idiniin ko ang pagkakatakip sa aking bibig upang pigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Hindi ko sukat-akalain na makakakita ako ng ganitong insedente nang dahil lang sa naligaw ako. Ibinaba ko ang ulo ko sa damuhang pinagtataguan ko nang lumingon ang lalaki sa direksyon ko. Nanginginig ako sa takot lalo na nang marinig ko na inutusan nito ang kasama na lumibot sa paligid. Nanghihina ang buong katawan ko dahil sa takot. Hindi ko alam ang gagawin at nagkasya na lamang ako sa pigil na pag-iyak. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa akin ang putok ng baril at pagkamatay ng babae. Anong kasalanan nito sa kanila? Bakit walang-awa nila itong pinatay? Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang papalapit na mga yabag sa kinaroroonan ko. Sumilip ako at nakita kong papalapit sa akin ang inutusan ng lalaki. Dahil sa matinding takot ay tumakbo ako. "Hoy! Bumalik ka rito!" Sigaw nito habang nagpapaputok ng baril. Tumakbo ng tumakbo lang ako habang umiiyak. Hindi ko alam kung natatamaan ako ng baril dahil wala akong ibang naiisip kung 'di ang makaalis sa lugar na iyon. Mabigat ang pakiramdam ko nang imulat ko ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang puting kesame at ilaw. "Diyos ko. Pa! Gising na si Caine." Lumipat ang tingin ko sa mga nag-aalang mukha ni ate Trina at papa. "Maraming salamat at nagising ka na anak. Labis ang pag-aaalala ko sayong bata ka." Si papa na mahigpit ang pagkakahawak sa isang kamay ko. Tinulungan nila akong bumangon at umupo. Humingi ako ng tubig sa kanila nang makaramdam ng matinding uhaw. "Anong nangyari sayo, Caine? Ano bang ginagawa mo sa lugar na 'yon? Mabuti na lang at nakita ka ng katrabaho ko. Nakita ka niyang nakahiga sa gitna ng daan." Hayag ni ate. Sa sinabi nito ay bumalik sa akin ang lahat nang nangyari. Ang pagkaligaw ko. Ang putok ng baril. Ang pagkamatay ng babae. Ang pagtakbo ko. Ikinuwento ko sa kanila ang lahat at labis na pagkagulat ang bumalatay sa kanilang mga mukha. "Diyos ko, salamat at walang nangyaring masama sa iyo anak." Mahigpit ang pagkakayakap ko kay papa. Takot na takot ako sa nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nasaksihan kagabi. Hapon nang lumabas kami sa ospital. Sakto naman ang pagdating ni Tito Jayvee at ang anak niyang si Xavier. "Ayos ka na ba anak? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tito Jayvee nang makapasok kami sa sasakyan. Anak ang tawag niya sa akin. Matagal na kaming nakatira sa kanila dahil driver si papa ng pamilya nila at si Ate Trina naman ay nagtatrabaho sa kompanya ng asawa niya na si Tito Xander. Pareho silang lalaki. Kakaiba kumpara sa normal na mag-asawa. Pero pareho nilang mahal na mahal ang isa't-isa at saksi ako roon. They've been together for almost eight years from now. At sa bawat araw na dumadaan ay lumalalim ang pagmamahalan nila para sa isa't-isa. Marami silang pinagdaanan. Maraming sakit, hadlang at pang-aalipusta pero sabay nila iyong nalagpasan at masasabi ko na masayang-masaya na silang dalawa ngayon. Merong anak si Tito Xander sa dating asawa nito. Si Xavier na kasalukuyang nagmamaneho sa amin ngayon. Tanggap niya si Tito Jayvee at sa kwento nito sa akin ay siya ang naging dahilan kung bakit nagkakilala ito at ang daddy niya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin. He celebrated he's 19th birthday last week. Nasa kolehiyo na siya at ako naman ay high school pa lang. Tulad ni tito Xander ay gwapo rin siya. He's a perfect replica of his father. Matangkad at malaki ang pangangatawan. Masungit at suplado pero sa tingin ko ay sa akin lang siya ganoon. Mabait kasi siya sa parents niya, kina papa at ate at sa ibang tao. Alam ko kung bakit nagkakaganoon siya dahil nahahati ang atensyon ng papa Jayvee niya sa kanya at sa akin. Minsan ako na lang ang umiiwas para huwag ng gumulo pa. Masakit ding makarinig ng mga salita galing sa kanya. Maraming naging tanong sa akin si Tito Jayvee. Ngunit wala akong naisasagot dahil sa takot. Hindi ko alam kung bakit takot na takot akong sabihin sa kanya ang totoo. Nagpapasalamat naman akong hindi rin nagsasalita sina ate at papa tulad ng ipinangako nila sa akin. "Hindi mo man lang ba kukumustahin ang kapatid mo anak?" Tanong ni Tito Jayvee kay Xavier. Walang mababanaag na emosyon sa mga mukha niya. As if may pakialam siya sa akin. "Were not siblings papa and I don't care about him." Wika niya at nakita ko pa ang pagbuka ng bibig niya na waring may sinasabing hindi maganda sa akin. See? "Xavier!" Saway sa kanya ni Tito Jayvee. "Okay na siya papa eh. Bakit ko pa siya kukumustahin?" Suplado talaga. Kung wala lang ibang tao sa kotseng ito ay kanina ko pa sinapok ang ulo niya. As if magagawa ko rin iyon. Ayaw na ayaw nga niya na kahit hibla ng buhok ko ay dumikit sa kanya. Nandidiri siya sa akin. "Kakausapin kita mamaya. Hindi ko na gusto ang pag-uugali mong 'yan. Gusto mo bang sabihin ko na 'to sa daddy mo?" "No. Don't tell it to him papa. Okay, okay magsosorry na ako." Tumingin siya sa itaas ng salamin at doon nagkasalubong ang mga mata namin. "Hoy liit! Sorry na." Sa puntong iyon ay humingi siya ng pasensya sa akin na ikatibok ng mabilis ng dibdib ko. For the first time since the last time ay narinig ko sa kanya ang salitang iyon. Hindi ko mapagilang ngumiti. Kahit hindi bukal sa loob niya at least he said it. Takot kasi siya sa mga magulang niya. Mapapasalamat na sana ako sa kanya nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Napatili pa si ate at kaming nasa likod ay halos masubsob sa harap. Pagtingin ko sa labas ay may humarang pala na sasakyan. May bumabang mga lalaki rito at halos manlaki ang mga mata ko may mga dala itong baril. "Oh sh!t! Everyone get down!" Sigaw ni Xavier at kasunod nito ay ang sunod-sunod na putok ng baril at pagbasag ng mga salamin. Lahat kami ay bumaba sa upuan upang hindi matamaan. Iyak lang ako ng iyak habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga ko. Naririnig ko rin ang iyak at sigaw ng mga kasamahan ko. Sa ilang sandali ay tumigil din ang putukan at nanginginig akong tiningnan ang mga kasamahan ko. Nagulantang ako sa nakita. Tumigil ang tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. Punong-puno ng dugo ang buong sasakyan at lahat sila ay wala ng malay. Lahat sila ay may tama ng mga bala. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
114.8K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

OSCAR

read
226.2K
bc

NINONG III

read
362.9K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.3K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook