Napahikab ako nang matapos ang huling klase ko ng hapon. Hinilot ko din ng bahagya ang aking balikat na nangangalay. Maaga akong pumasok kaninang umaga para mabigay ko sa mga kaklase ko ang kanilang orders. May order din ang iba sa mga kilala kong instructors, kaya medyo tiba-tiba ako ngayong araw. Maulan pa din sa buong maghapon kaya pahirapan na naman sa pagsakay at pag-uwi. "Lynette, sabay ka na sa amin!" Isa sa mga kaklase ko ay may dala na sasakyan. Nakisiksik na lang din ako sa iba naming kaklase. Binaba nila ako sa mall. Iba na kasi ang way nila. Mula dito ay hindi na ako mahihirapang sumakay pauwi. Napalinga ako sa buong paligid. Hindi ko makita ang mga bata. May mga namamalimos pero hindi sila familiar sa akin. Napangiti ako. Hindi nila kailangang mamalimos ng ilang ar

