bc

Married To A Bad Boy

book_age18+
4.0K
FOLLOW
30.2K
READ
contract marriage
arranged marriage
playboy
badboy
CEO
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED ROMANCE [18+]

Paano kung ikasal si Abrianna kay August Nam na isang CEO? Mayaman, matangkad at gwapo pero sa likod ng maskara n'ya ay hindi pala maganda ang ugali nito. Kabaliktaran ng pisikal na anyo nito ang kalooban n'ya. Matitiis n'ya kaya ang ugali nito? Paano kung magkagusto s'ya sa isang katulad ni August?

chap-preview
Free preview
MTABB: CHAPTER ONE
"Gilbert!" masayang tawag ni Albert Nam sa kaibigan n'ya nang buksan nito ang bintana sa driver's seat. "Papasok ka ba o hindi?" nagbibirong tanong ni Gilbert Amber sa amo n'ya. "Syempre papasok. Sayang naman ang pinaghirapan ko kung hindi," sagot ni Albert sa kan'ya at pumasok na ito sa loob ng sedan. Inayos nito ang suot n'yang itim na suit at nilapag nito ang bag sa gilid n'ya. Sumandal s'ya at kinuha ang tablet para magbasa ng mga balita online. Nagsimula namang mag-drive si Gilbert, papaalis sa mansyon ng mga Nam. "Daanan natin si August sa Diamond Hotel," utos ni Albert sa driver nito habang nakatingin sa tablet n'ya. "Naglasing na naman ang isang iyon at mabuti na lang ay pinasunod ko sa kan'ya ang mga tauhan ko, kaya napadala ko agad sa hotel." "Ano na namang nangyari kay August?" tanong ni Gilbert sa kan'ya habang nakatingin ito sa dinadaanan. "Hindi ko alam, Gilbert. Nahihirapan na ako kay August. Parang teenager pa rin ang isang ito na nagrerebelde," dismayadong sagot ni Albert at napabuntong-hininga na lang ito. "Dahil ba ulit kay Qiana?" tanong ni Gilbert. Nakaalis na sila sa mansyon ng mga Nam at maingat na nagda-drive si Gilbert. May dalawang oras pa naman bago magsimula ang trabaho ni Albert sa kumpanya n’ya at kaya pa nilang daanan ang anak ni Albert na si August Nam. "Mukhang dahil nga roon," sagot ni Albert habang nakatingin sa tablet nito at nagbabasa ng mga balita. "Kumusta naman ang anak mong si Abrianna?" tanong n’ya. "Okay lang naman ang anak ko. Fourth year college student na s'ya ngayon kaya busy na rin s'ya sa school," sagot ni Gilbert sa kan'ya. "Malapit na pala s’yang makatapos. Aba! Makaka-graduate na rin sa wakas si Abrianna," nakangiting sabi ni Albert. "Parang kailan lang ay elementary pa lang ang mga anak natin." "Oo nga, eh. Sobrang bilis talaga ng panahon," sagot ni Gilbert at napatawa ang dalawa nang maalala ang mga kalokohan nila noong bata pa lang sila. Si Gilbert Amber ang personal driver ni Albert Nam. Magkaibigan silang dalawa simula elementary pa lang. Parehas na may kaya ang pamilya nila noon at nagsipag silang dalawa sa pag-aaral. Naging successful si Albert hanggang sa nakapagtayo ito ng mga restaurant at hotel chains. Nakapag-asawa rin ito at nagkaroon sila ng isang lalaki at isang babaeng anak. Naging busy lalo si Albert sa trabaho dahil gusto n'yang bigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya n'ya. Gusto n'yang mas mapalawak ang company at mas maging kilala ito. Dahil sa pagiging busy, hindi na n'ya nabibigyan ng pansin ang mga anak pati na rin ang asawa n'ya. Hindi naglaon, napagdesisyunan ni Kristine, ang asawa ni Albert na makipaghiwalay. Nawala na ang pagmamahal n'ya sa asawa at walang nagawa si Albert kung hindi ang tanggapin iyon. Pinapili nila ang mga anak nila kung kanino ng mga ito gustong sumama. Sumama ang babaeng anak nila kay Kristine habang si August ay naiwan sa tatay n'ya. Lumipad patungo sa ibang bansa si Kristine kasama ang anak na babae at doon nagsimula ng panibagong buhay. Si Gilbert naman ay nakapagtapos din ng pag-aaral at natatanggap ito sa mga trabaho na pinag-aaplayan n'ya ngunit lagi rin itong natatanggal sa trabaho n'ya. Lahat na ng trabaho na kaya n'ya ay pinasukan n'ya. Lahat ay ginawa n'ya para sa anak at asawa. Gusto s'yang tulungan ni Albert dala na rin ng mahabang pinagsamahan ngunit tumanggi si Gilbert. Gusto nito ay may gawin s'ya para maging deserved n'ya ang pagtulong ng matalik na kaibigan at maging magaan sa loob n'ya. Kinuha na lang s'ya ni Albert bilang isang personal driver at pumayag naman si Gilbert. Naisip n'yang imbes na magpalipat-lipat ng trabaho, mas makabubuting sa isang tao na lang s’ya manilbihan. Dalawampung taon na rin s'yang nagtatrabaho para kay Albert. Nang tumagal ay nakipaghiwalay din ang asawa ni Gilbert sa kan'ya dahil may nakilala itong ibang lalaki. Iniwan sila nito ng anak n'yang si Abrianna na noo’y bata pa lamang. Dahil sa nangyari ay mas nahirapan si Gilbert sa sitwasyon. Hindi n'ya pwedeng iwan si Abrianna habang nagtatrabaho. Pinatuloy n'ya sa bahay n'ya ang kapatid n'yang si Jisella at ang anak nitong si Ickey. Si Jisella ang nag-aalaga kay Abrianna tuwing nasa trabaho si Gilbert. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi nagiging maganda ang trato ng dalawa sa anak n'ya. "Hindi pa pala nagkikita at nagkakakilala ang anak nating dalawa, ano?" tanong ni Albert. "Oo. Ilang taon mo na ring hindi nakikita si Abrianna. Masyado na kasi itong busy sa school n'ya. Bihira ko na lang din s'yang makausap at makasama ng matagal. Mas kailangan n'yang magsipag sa pag-aaral para maging successful," paliwanag ni Gilbert. Dati sa tuwing may lakad ang dalawang magkaibigan na hindi naman kaugnay ng trabaho ay isinasama ni Gilbert si Abrianna para makilala nito ang kaibigan n'ya at makapag-enjoy din. Hindi naman maisama ni Albert ang anak n'yang si August dahil busy ito sa pag-aaral at sa mga kaibigan nito. "Balak ko nga sana na mag-set ng date para makapag-dinner tayong apat," sabi ni Albert at nilapag ang tablet sa gilid n'ya. "Gusto kong makilala ni August si Abrianna ngayong malalaki na sila." "Bawal pang mag-boyfriend ang anak ko," kaagad na sabi ni Gilbert kaya naman natawa si Albert sa kan'ya. "Napaka-over protective mo talaga," tumatawang komento nito. "Wala pa naman sa plano kong ireto ang anak ko sa anak mo, pero binigyan mo na ako ng idea." Tiningnan ni Gilbert si Albert mula sa rearview mirror ng masama at mas lalong lumakas lang ang tawa nito. Natawa na lang din si Gilbert nang ma-realized nito kung gaano s'ya ka-advanced mag-isip. "Tatay na tatay na talaga tayo, Gilbert." Napabuntong hininga si Albert at sumilip sa bintana. Pareho na silang limampu’t isang taong gulang at hiwalay sa kanilang mga asawa. Nagbibiruan sila palagi na itinadhana silang maging magkaibigan dahil pati sa love life ay sablay silang parehas. "Tama ka d'yan," komento ni Gilbert at ibinalik ang atensyon sa pagda-drive. Naabutan sila ng red light sa isang intersection at huminto. Patuloy pa sa pagbibiruan ang magkaibigan nang magpalit ang kulay ng ilaw ng stop light sa kulay berde. Diretso ang ruta nila at nang magsimula ng mag-drive si Gilbert, mula sa kaliwa n’ya ay may sumulpot na rumaragasang cargo truck. Malakas man ang busina niyon at nagpa-zigzag pa para makaiwas sa iilang mga sasakyang naroon ng mga oras na iyon ay hindi na rin nakatulong. Sa sobrang bilis ng takbo niyon ay hindi na n'ya nagawa pang makaiwas. Nanlalaki ang mga mata ng dalawang lalaking nasa loob ng sedan at mistulang tumigil ang oras para sa kanilang dalawa. Tila nabingi na ang mga ito. Sumalpok ang unahan ng truck sa buong driver’s side dahilan para maitulak ang sedan ng mas malaking sasakyan at ang gulong sa hulihan sa kanang bahagi ay tumama sa gutter ng kalsada dahilan para sumabit iyon kaya’t ang kanang bahagi ng sedan ay bumangga sa isang telephone booth na may dalawang metro ang layo mula sa kanto ng intersection na pinanggalingan ng sasakyan nila Albert. Halos matumba ang telephone booth sa lakas ng impact ng banggaan. Tila inalog sa loob ng isang malaking lata ang dalawang lalaki. Wasak na wasak ang kaliwang bahagi ng sasakyan samantalang halos mahati sa dalawa dahil sa pagkakayupi ang kanang bahagi. Nakataas ang hood ng sedan at awtomatikong nagbukas ang airbag nito sa loob. Basag ang mga windshield at ang mga bintana at walang malay ang lahat ng nasa loob ng dalawang sasakyan. Tunog lamang ng sasakyan ang naririnig ng mga oras na iyon at ang pagpatay-sindi ng mga ilaw nito. Ang ilang mga sasakyang naka-witness sa aksidente ay tumigil sa gilid ng kalsada upang silipin ang mga nasa loob ng naaksidenteng sasakyan. May ilan na tumatawag sa telepono para sa ambulansya. Ang bahagi ng kalsadang pinangyarihan ay nagsimulang magkaroon ng traffic. May mga ilan na nagmamagandang loob para tumulong na maiayos ang trapiko habang wala pa ang mga awtoridad. May ilang minuto makalipas ang pangyayari ay nagmulat ng mga mata si Albert. Napadaing ito sa sakit at napahawak sa ulo n'ya na nagdurugo. Ilang beses itong kumukurap upang maliwanagan sa paligid ngunit ang impact na dulot ng aksidente ay lalong nagpahirap sa kanya bukod pa sa dugong tumutulo mula sa ulo niya at nagpapalabo sa kanyang paningin. Wala rin s'yang marinig at tuliro sa aksidente. Ang tablet na hawak nito kanina ay nasa may paanan na niya at basag din ang screen, Ganoon din ang bag na dala niya. Pinilit n’yang alalahanin ang mga pangyayari at unang pumasok sa isip ang kaibigan n'yang si Gilbert. Maingat na ipinaling niya ang kanyang ulo at sinilip n’ya ang kaibigan mula sa basag na rearview mirror. Tanging ang leeg lang ni Gilbert na may mantsa ng dugo ang natatanaw niya. Wala siyang naririnig mula sa kaibigan. Wala nang malay si Gilbert at nakahilig palabas ng bintana ang ulo, samantalang naipit ang kaliwang braso, hita at binti nito. Halatang nauntog dahil sa bakas ng dugong nagmumula sa ulo nito na siyang nagmantsa sa airbag ng sasakyan. "Gilbert…" mahinang sambit ni Albert habang sinusubukang iabot ang kanyang kaliwang kamay sa kaibigan. Ngunit bago pa man n’ya mahawakan ang balikat nito ay ito tuluyan na s’yang nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.5K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.5K
bc

My Husband's Mistress

read
297.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook