Kabanata 67 - Part II

2646 Words

Kabanata 67 – Part II “Siya ba ‘yong sinasabi nila?” “Totoo bang inakit n’ya si Sir Isidro?” “Nilandi niya raw boss natin.” “Gold digger at desperada.” “Mukhang pera…” Marahas na bumukas ang mga mata ko. Butil-butil ang malalamig na pawis sa aking noo at nakakabingi ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid habang marahang nagtataas-baba ang aking balikat at bahagyang nakaawang ang aking bibig. Gusto kong siguraduhin kung nasaan ako, at nakahinga ako nang maluwag nang makumpirmang nasa kwarto ako. I’m safe. It was a dream—no, a nightmare. Nilunok ko ang kung anong bumara sa lalamunan ko bago ako bumangon at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras at nakitang alas dos pa pala nang madaling araw. Nakita ko rin an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD