Kalauna’y natapos na rin ang kasambahay sa paggawa ng hinihintay na tea. Maingat itong inilapag sa maliit na lamaesa sa pagitan ng maglolo. “Freshly brewed tea for a good health, grandpa,” nakangiting ani ni Dreanara sabay taas ng maliit na tasa sa hangin. Kinuha na rin ni Mr. Vragus ang kanyang tasa at sinamahan ang apo sa pagtaas nito sa hangin sa isang tahimik na cheers bago tuluyang ilapat sa kanilang mga bibig. “That was a great tea,” satisfied na komento ng dating chairman na sinang-ayunan ng apo. Nagpatuloy na rin sila sa pagkukwento ng kung anu-anong bagay. Pinakamustahan na rin nito ang naging trip ng dalaga sa Washington, USA kung saan ginanap ang worldwide conference sa economy at environment sustainability. Masaya namang ikinuwento ng dalaga ang mga natalakay na naaalala

