Parang isang gulong na umiikot, naging mabilis ang kasiyahan ng El Cuangco Corporation nang sila’y animo’y nasa tuktok o rurok ng tagumpay nang makuha nila ang selling deal ng Velaquez Company. Ngunit kagaya ng isang gulong na umiikot, ang nasa ibabaw ay palaging napupunta sa ibaba at ang nasa ibaba ay napupunta naman sa taas. Ito ang eksaktong nangyari sa dalawang magkatunggaling malalaking kumpanya. Ang El Cuangco Corp. ay ngayo’y kasalukuyang nagkakagulo at humihina dulot ng naganap na pagnakaw ng halos one-fourth na cash money nila. At makalipas ang dalawang araw, wala pa ring makikitang improvement sa investigation. Wala pa ring makuhang lead kung saan naroroon ang primary suspect ng pangyayaring ito. Hindi pa rin nananagot ang may sala. At hindi pa rin naibabalik ang napakalaki

