Umuwi na si Dreanara sa Brontonn at dumiretso ito sa mansiyon. Ngayong araw din kasi inaasahang makakabalik mula sa biyahe ang ina matapos ang isang linggo nilang pamamalagi sa Switzerland, kung saan ginaganap ang pagpupulong na dinaluhan niya. Sa bungaran pa lamang ng mansiyon ay hinihintay na siya ng kanyang lolo na masayang-saya sa mga natatanggap na balita mula sa opisina. Alam na alam nito ang mga nangyayari sa loob kahit na nananatili lamang siya ng bahay. “Congratulations, apo for making it this far!” masayang-sayang nitong wika kahit na medyo malayu-layo pa ang dalaga. Nakaupo ito sa isang rocking chair habang nagbabasa ng pahayagan upang hindi antukin sa paghihintay sa pag-uwi ng kanyang apo. Nais niyang pang-congratulation niya ang unang-una makikita nito pag-uwing pag-uwi mu

