“A stockroom?” wala sa loob na sambit ng kanyang mga labi. Right, isang bodega pala ang napasukan niyang silid. It does makes sense na matatagpuan niya sa likurang parte ng mansiyon na ito ang stockroom. May mga iba’t ibang mga kagamitan ang nakatambak sa loob… mga dating lamesa, silya, sirang mga washing machine, maging mga lumang mga libro at mga newspaper. May iilan ding natatakpan ng kulay puting tela upang iwasang maligo ito sa alikabok. Hindi niya tuloy maiwasang bahagyang makaramdam ng kaunting takot sa kanyang puso. Naaalala niya kasi ang mga napanood na mga horror movies patungkol sa mga bodega, kung saan maraming mga antique at misteryong nakatambak. At isa sa pinakaprominenteng setup sa loob ng isang horror scene na bodega ay iyong mga may mga kulay white na takip ang mga ba

