“Sige po Manang Insa,” tanging sagot ng dalaga. Siyempre, alam na niya ang pangalan nito sapagkat kahit papaano ay binigyan siya ng short briefing ni Mrs. Vragus noong unang dalaw pa nila sa mansiyon. ‘Yung alaala lang talaga ng tunay na Dreanara ang hindi niya kayang mareplikahan sapagkat personal itong bagay. Pagkaalis ng head matron ay nagsimula na siyang mag-empake kasama ang mga kasambahay na pumanhik sa kanyang silid. Tahimik lang ang mga itong gumagawa ng kanilang tungkulin na tila ba mga robot na istriktong sumusunod lamang sa utos ng amo nito. Hindi na rin nag-aksaya ng panahon ang dalaga na kausapin ang mga ito at magsimula ng isang pag-uusap. Marami-raming bagay kasi ang yumatakbo sa kanyang utak. Una ay ang pag-aalinlangan na baka makagawa siya ng bagay o aksiyon na hindi

