Matapos ang maikling oras na pag-uusap ay minabuti na ng tatlo na magsimula na sa kanilang plano. Pumasok na sa may banyo si Lucas upang magpalit ng all black outfit at mas mapadali ang pagdi-disguise niya ng sarili sa kadiliman ng gabi. Bandang alas nwebe y medya na ng gabi ngunit nananatili pa ring may mga taong nagsisidaanan sa mga sidewalks. Isang busy at mataong siyudad kasi ang Brontonn. Kahit na gabi-gabi na ay marami pa ring mga taong nagkalat sa mga daanan. Mas mapapadali at mas magmumukhang casual ang kanilang snatching operation dahil sa natural na small crowd na dumadaan. Nakakuha kasi sila ng lead na papalabas na ng building ang kanilang target mula sa company spy nila na nasa control room ng CCTv watch ngayong gabi. Pumwesto na si Lucas sa isang bench bilang camoufl

