REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Wait… you are saying… you want to get back to him?” Iyan ang usisa sa kan’ya ni Dean. Mas lumapad ang ngiti ni Ate Faith at dalawang beses na tumango. “He's not in the mood to talk to me but we will get back together in no time,” masayang tugon n’ya kay Dean. “Na-realize kong hindi ko naman pala kayang wala si Devillion sa tabi ko. Somehow I understand him for being a strict partner to me. He was just protecting me and…” Huminga s’ya ng malalim. “May mali rin ako dahil pinagalitan ko s’ya sa harap ng mga staff ko,” paliwanag n’ya pa sa ‘min. “Kumusta naman si Boss?” tanong pa ni Dean. “Nagtatampo pa sa ‘kin… pero babalikan ko na lang s’ya rito bukas ng umaga at siningit ko lang na puntahan s’ya rito kahit marami akong transaction ngayon.” Tumango na lang si De

