REAGAN FAYE RODRIGUEZ KAMUNTIK ko nang imulat ang mga mata ko nang umugong ang mga salitang iyon sa tainga ko. Pinigilan ko saglit na humiga at nakiusap ako sa puso ko na huwag mas’yadong sumayaw sa dibdib ko dahil may chance na marinig ni demonyito ang malakas na pagdagungdong! Pigil na pigil talaga ako sa sarili ko na kumawala ng kahit anong reaks’yon kahit gustong-gusto sumabog nitong kaibuturan ko! “Boss, tulungan n’yo muna ako rito. Ang dami pa palang liligpitin para bukas pack up na tayo.” Nang marinig n’yang mag-salita si Dean, doon ko naramdamang tumayo na s’ya sa pagkakaupo rito sa uluhan ko at lumakad na palabas. Pinakinggan ko muna ang mabibigat n’yang mga yabag. Nang mapansin kong nakakalayo na s’ya, doon ko minulat ang dilat na dilat kong mga mata. Nawala ang antok ko!

