REAGAN FAYE RODRIGUEZ “Boss, okay ka lang?” nagaalalang tanong ni Dean at mukhang ang demonyito yata ‘yong nasamid. Hindi na ako magugulat kung pinapakinggan n’ya ang usapan namin. Kahit ang hina ng boses ng dalawang ‘to, umuugong pa rin hanggang doon sa labas. “Hmm… something is crazy going on here…” nagdududang sambit Jiji. “May hindi ka ba sinasabi sa ‘min, Reagan?” “Kung ano man ‘yang laman ng mga utak n’yo, nagkakamali kayo. Ang gusto kong sabihin ngayon, lumipat na kami ng bahay.” Nangunot ang noo nila. “Ay, walang update sa inyo ni boss?” Nilakihan ko ng mga mata si Eunice. “Tumigil ka nga! Naririnig ka nila sa labas!” “Oh, bakit? ‘Yon lang naman ang gusto naming malaman ni Eunice.” “Hindi kayo interesado sa ikukuwento ko sa inyo?” “Of course, we still want to hear tha

