Matapos nga ang dalawang araw ay nakalabas na ng ospital si Alondra at gaya ng usapan sa bahay na ni Hendrick sila tumuloy. Syempre kasama na si Manang Connie at nakapag-hire na rin si Hendrick ng private nurse para sa kanyang papa ng sa gayon ay hindi na doon maiwan si Manang Connie. Kailangan din kasi niya ito sa kanyang tabi para maalalayan na lamang siya lalo pa at medyo may problema yata sa company si Hendrick. Kaya naman matapos nitong ihatid sila sa bahay ay bumalik na agad ito sa opisina. Hingi nga ito ng hingi ng sorry sa kanya dahil nga naman hindi man lamang ito nakatagal sa bahay hinayaan na lamang niya at sinabi niya ditong okay lang. Nagpaliwanag naman ito na parang nagkaroon ng problema sa isang investors at iyon ang inaalam nito kung bakit. Mabuti na nga lang daw at

