“Ang pogi pogi naman ng baby ko , Gutom na gutom ah…” Nakangiti habang maluha-luhang wika ni Alondra sa kanyang anak na kalong-kalong niya ng sandaling iyon. Pinapadede niya ang kanyang anak kaya pala dinala doon ng nurse ay oras na para dumede ito at saka hinihingi na rin sa kanila ang name ng bata para daw sa record ng kanilang anak. Sa totoo lang wala pa siyang naihandang pangalan ng kanyang anak, ang gusto na nga lang niya ay isunod sa pangalan ni Hendrick pero baka naman ayaw nito kaya ang ginawa niya ito ang kanyang tinanong, kaya lang wala ring maisip ang pasaway. “Pasaway ka sa loob ng 9 months hindi ka man lamang nakaisip ng maaaring pwede nating ipangalan sa Anak mo?” Natatawang tanong niya dito. Nawala na rin yung pagsusungit niya kanina, hindi kasi siya umiimik sa lahat

