"Pwede ba Tita Emma, umalis ka na dito hindi ka namin dito kailangan kaya please lang. Huwag ka nang manggulo, ayaw ka ng makita nila lola pati na ni mama at papa kaya please lang lumayo ka na sa amin. Tanggapin mo ng iyong sa inyong dalawa ni Conran ay tapos na. Kaya kung pwede lang mag-move on ka na dahil wala nang karugtong ang sa inyo ni Conran kaya please lang patahimikin mo na kami." inis na wika niya sa babae. Pero tumawa lamang ito sa kanya at nagkusang binuksan ang gate at pumasok sa loob ng bakuran. Ang kapal talaga ng mukha akala mo nakasarili ng bahay. "Tita ano ka bakit pasok ka ng pasok, hindi naman ito sa iyong bahay hindi ka ba nahihiya. Lumabas na nga po kayo hindi natin ito pag-aari kaya huwag kayong masyadong feeling diyan, mamaya magalit pa si Miguel sa ginagawa nin

