"Oo Tito Conran, inaamin ko na totoong mahal ko si Marikit. Mahal na mahal, kahit na hindi pa kayo ikinakasal ay minahal ko na siya. Dati na niya akong followers sa kanyang page, doon pa lang alam ko na sa sarili ko na mahal ko ang babaeng aking palaging pinapanood. Pero nang matuklasan ko na kayo ay mag-asawa na, ginawa ko ang lahat para kalimutan siya. Kaya nga lumayo ako eh pero hindi ko magawa, hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Pero Tito Conran, hindi ako masamang tao alam ko na mahal ka ni Marikit. Alam ko na hanggang ngayon kahit na may nangyaring tanong insidente sa inyong dalawa, alam ko na mahal ka pa rin niya. Nagpakalayo-layo lamang siguro siya para magpalamig muna, pero alam ko na babalik at babalik siya sayo. Kaya dapat ipaalam natin sa kanya ang sitwasyon mo. Hin

